"Anak, bat ang aga mo ngayon?"
"Excited po ako!" Iiling iling lang si mama habang nakangiti. Excited na kasi ako. First day ko kaya ngayon! Siyempre, kahit papaano, inayos ko ang sarili ko. Nakakahiya naman kung mukha akong dugyutin diba?
Sinuot ko ang uniform na dineliver kahapon. Ang sosyal talaga ng university na yun. Uniform lang, kailangan pang ideliver. Kulay blue ito. Yung pang-itaas, white long sleeve na may blue vest tapos ang pang-ibaba ay blue na paldang pangkorean. Cute nga eh. Tuwing weekdays, ganito ang uniform namin pag saturday naman, civilian. Buti nga MWThS ang schedule ko. Di masyadong hassle.
"Ma, aalis na po ako."
"Sige, anak. Good luck!" Nagmano ako sakanila bago umalis.
"Bye baby." Hinalikan ko sa cheeks si Wade. Saka ako umalis at pumara ng taxi.
Pagkarating ko sa university, agad kong hinanap ang room ko. Room 342. Third floor pa buti na lang, may elevator. Kakaunti palang ang tao kaya malaya akong umupo sa room. Maya maya pa, pumasok si Venus.
"Braidel?" Gulat niyang tanong.
"Hindi. Tatay mo to." Pamimilosopo ko sakaniya.
"Ha ha ha. Funny." Umupo siya sa tabi ko. "Ang aga mo ata?"
"Para ikaw hindi ah. Siyempre excited ako."
"Ako din eh. Alam mo na, first time natin dito." Totoo naman talaga yun dahil first year college palang kami. May 20 minutes pa bago magstart ang klase kaya naisipan naming libutin ang buong third floor.
"Look oh! Listahan ng mga examinees." Hahanapin ko palang sana ang pangalan ko pero nakita ko ito agad.
'Top 1- Braidel Krish Sandiego'
Napanganga ako sa nalaman ko. So ako yung top 1? Oh my gulay! Pinicture-an ko ang listahan para mamaya, ipapakita ko kila mama at papa. Siguradong matutuwa na naman sila sakin.
"Braidel! Top 3 ako! Top 3 ako!" Sabi niya habang tinutulak ako nang mahina. Masaya kaming bumalik sa room at may mga tao na rin doon. Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na ang prof.
Natapos na ang klase. As usual, introducing of yourself lang ang ginawa namin. Natuwa pa nga ang teacher nang makita niya ako. Kasi daw, ang galing ko. Nalaman na rin ng klase na isa akong scholar. Yung iba, humanga. Yung iba, nanghusga. Jusko! Sana naman, makatagal ako nang buhay dito.
"CR lang ako ah? Mauna ka na sa cafeteria. Di ko na kaya." I nodded. On my way to cafeteria, may nakita akong guy na tumatakbo kasi hinahabol siya ng mga babae. Wait. Looks familiar. Kinilatis ko siya nang maigi. Ah! Siya yung lalaking walang modong bumangga sa akin. In fairness, gwapo siya pero hayop naman sa ugali. Tsk. Pero bakit siya hinahabol ng mga babae?
"Kyaaaaah! Heides my love!"
"Let me kiss youuu!"
"Your mine!"
Mga sira ulo. Kaya pala siya hinahabol. Siguro heartthrob siya. Heides pala pangalan niya. Nakita kong mabilis siyang lumiko. Hinanap naman siya ng mga babae.
Hmmm, para makabawi ako sa kawalangyaang ginawa niya sakin, may gagawin ako. *evil smirk*
"Girls!" Lumingon sila sakin.
"Who are you?!"
"Di na importante yun. Gusto niyo malaman kung nasan si heides?" Biglang lumiwanag ang mga mukha nila.
"Saan?" Sabay na sabi nila. Nabingi ata ako. Atat na atat?
"Lumiko siya dun." Tinuro ko ang pinaglikuan ng lalaking Heides na yun. Nag-uunahan silang tumakbo. Wala man lang thank you? Hay, okay lang.
"Oh bat ang tagal mo?" Bungad sakin ni Venus sa cafeteria. Nauna na pala siya.
"May ginawa lang."
"Ano?"
"It's none of your business."
"Hmmp!" Hindi ko siya pinansin. Basta masaya ako. Nakapaghiganti na ako sa Heides na yun. *evil laugh*
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Fiksi RemajaTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!