Chapter 23

990 51 0
                                    

It's been days since that accident. Sabi ng doktor, magpahinga daw muna ako kasi medyo napuruhan yung likod ko. But I'm okay now at papasok na ako ngayon. Pumara ako ng taxi at sumakay.

Oo nga pala, nahuli sina Tina at mga kasama niya pero dahil menor de edad pa sila, pinagsabihan na lang ang mga parents nila. Balita ko, they were all grounded for 1 year.

Mga 10 minutes bago ako nakarating ng school. Pagpasok ko ng gate, may nakapaskil na 'SI BRAIDEL AY...' Ano namang pakulo to? Another bullying na naman ba?

Naglakad ako. Bawat wall na nadadaanan ko, may nakapaskil na mga salita na nagdedescribe sakin.

'Mahirap'

'Panget'

'Scholar'

'Poorita'

Napakunot ang noo ko sa mga nakapaskil. Mga pang-iinsulto na naman -___- I continue walking.

'PERO...'

'Maganda siya sa paningin ko'

'Wala akong pake kung mahirap siya'

'At higit sa lahat...'

Dun na nahinto ang mga nakasulat. Bumungad sakin si Heides na may hawak na bouquet of roses. Andami nang nanonood. Anubayan >_<

"SIYA ANG BABAENG GUSTO KO!" Sigaw niya sabay abot ng bulaklak saakin. Feeling ko, nangangamatis na ako sa pula. "KUNG SINO MAN ANG MAGTANGKANG LAITIN, INSULTIHIN AT SAKTAN SI BRAIDEL AY MANANAGOT SAKIN! DAHIL AKO LANG ANG MAY KARAPATANG LAITIN DAHIL MAGANDA SIYA, INSULTIHIN DAHIL SEXY SIYA AT SAKTAN NG PAGMAMAHAL KO." Hindi ko alam ang irereact sa mga sinasabi niya. Tell me, Am I dreaming?!

Maraming nagbulung bulungan pero mga positive comments na. Hinatid niya ako sa room dahil may gagawin pa siya kaya excuse siya sa klase. Mabuti na lang, wala pang prof. Todo ngiti naman si Venus.

"Ayieeee!" Asar niya with matching sundot pa sa tagiliran. Hindi ko siya pinansin at sinariwa ang nangyari.

Masaya ako dahil ako ang tinitibok ng puso niya. Masaya ako dahil siya ang nilalaman ng isip at puso ko.

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon