Chapter 35

998 43 0
                                    

Heides' POV

Mas lalo siyang gumanda tulad ng nakikita ko sa mga pictures niya. Ibang iba na talaga ang itsura niya ngayon.

Malapit nang matapos ang concert niya. Huling performance niya nalang ang hinihintay. Kahit nasa VIP ako, hindi pa rin niya ako makikita dahil sa dami ng tao. Puno ang araneta. Sikat na sikat na talaga siya.

Buti na lang, may backstage pass ako. Makakausap ko na din siya.

Braidel's POV

Last performance ko na. Whoo! Nakakapagod talagang magconcert. Pawis na pawis na nga ako eh. Good thing, may nagreretouch sakin backstage. Now, I am wearing a white gown for my last song.

[Now playing: We belong by Toni Gonzaga]

'I've tried to tell you,
So many times this feelings of mine.
But it's not that easy,
Letting you know how I love you so.'

Dahil sa putragis na kantang to, naalala ko na naman si Heides at nasasaktan na naman ako.

'Complete me, you complete me.
I'll never felt this way.
Complete me, you complete me.
Like words and melodies.'

Kahit na hindi ako mayaman tulad niya, tinanggap niya pa rin ako. Pinunan niya lahat ng mga kulang sa buhay ko.

'Don't you know that we both belong, baby.
Don't you know that we will last forever.
Don't you know that we both belong,
I knew it from that start we belong.'

Mayaman ka, simpla lang ako. Maraming nagsasabi na hindi pwedeng maging tayo. Lalo na ang mama mo. Pero kahit na ganun, naniniwala pa rin ako na wala sa katayuan ng buhay ang karapatang magmahal.

'Together you're my shelter in the pouring rain,
I just hope, that you will see,
You and me we belong.'

Dapat tayo pa rin hanggang ngayon pero di mo ako pinaglaban. Sana nakita mo na worth it naman ang relasyon natin.

'Don't you know that we both belong baby,
Don't you know that we will last forever,
Don't you know that we both belong,
I knew it from the start,we belong..'

"Thank you Braideliens!" Pagkasabi ko nun ay pumunta na ako sa dressng room. Ang baliw pakinggan ng Braideliens no? Hahaha! Baliw din ako eh.

"Friend! OMG! Ang laki na ng pinabago mo!" Patakbong sigaw ni Venus sakin. Binilin ko kasi sa security na papasukin sila.

"Status lang naman ng buhay ang nagbago sakin pero ito parin ako. Namiss ko kayo!" Hinug ko silang tatlo. Kasama niya kasi sina Ivan at Jaycee.

"Grabe, kung makikita ka lang siguro ni Hei-"

"Wag ko nang ituloy ang sasabihin mo, Jaycee." Banta ko sakaniya kaya tumahimik siya.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan. Ang kukulit parin nila. Pero hindi ko inaasahan ang pagpasok ng isang tao. Kumirot na naman ang puso ko.

"Braidel.." Nanood ba siya ng concert ko? Pero pano siya nakapasok dito?

"Maiwan na muna namin kayo. We think, kailangan niyong mag-usap."
Hindi ko na napigilan sina Venus sa pag-alis nila.

"Braidel, ang galing mo. Mas lalo kang gumanda. Kamusta ka na?" Lumapit siya sakin. Gosh. My heart.

"As If namang may pakealam ka pa sakin?"

"Please braidel, mag-usap tayo."

"We don't need to talk about anything, Heides. Go away."

"Braidel.."

"SECURITY!"

"Please braidel, ayusin natin to."

"SECURITY!"

"Bakit ma'am?"

"Paalisin niyo tong lalaking to. Nangugulo siya." Hinatak nila si Heides palabas. Pag di pa kasi siya umalis sa harapan ko, baka di ko na naman mapigilan ang sarili kong mahulog sakaniya. Mas lalo siyang gumwapo.

"Braidel! Let's talk!" Sabi niya bago siya tuluyang mapalabas ng dressing room.

Dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko, binuhos ko na ito. Inilagay ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Dumadaloy ang mga luha sa aking mukha.

Naiinis ako dahil nasasaktan parin ako. Naiinis ako dahil tumibok na naman ang puso ko para sakaniya. Naiinis ako dahil mahal ko parin siya.

A/N: Last one chapter and then epilogue naaa!

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon