Chapter 22

1K 52 0
                                    

Braidels' POV

"Okay ka na ba, friend?" -Venus

"May masakit pa ba sayo?" -Kyle

"Obsess kasi yung Tina na yun kay Heides. Tsk. Nadamay ka pa tuloy." -Ivan

"Tara! Resbakan na natin!" -Jaycee

Simula pagkagising ko, nandito na sila at kanina pa sila tanong nang tanong sakin. Paulit ulit lang naman yung mga tanong -____-

"Guys, OKAY NA AKO." Mariing sabi ko.

"Sure?"

"OO." Pagkasabi ko nun, niluwa ng pintuan ang isang gwapong nilalang.
Kaya lumabas yung apat.

"Are you okay?" Ano ba namang tanong yan -_____-

"Yes." Tinitigan niya ako. Matagal, nang naalala ko kung anong nangyari sa taxi kagabi.

"Gusto kita, braidel. Please wag kang bibigay."

"Salamat sa pagligtas sakin, Heides. G-gusto din kita..."

OMG. Namula ata ang mukha ko sa naalala ko.

"Why are you blushing?"

"U-uhm, wala." Tinitigan niya na naman ako nang matagal. Yung totoo? May muta ba ako?

Nabigla na lang ako nang yakapin niya ako nang mahigpit.

*dug dug dug*

"Heides..."

"Braidel, nag-alala ako sayo nang sobra. Dahil sakin kaya ka nasaktan. Sorry. I'm so sorry." Napangiti ako nang palihim.

"Hindi kita sinisisi dun, okay? Kaya don't be sorry. Wala kang kasalanan."

"Thank you, braidel." Di pa rin siya kumakalas sa yakap. "Braidel?"

"Hmm?"

"Totoo bang, gusto mo din ako?" Nyek? Anong sasabihin ko? Tss. Nakaamin na rin naman ako kagabi. Ano pang silbi ng pagtatago?

"O-Oo Heides.." I'm stuttering. Mas lalong humigpit ang yakap niya. Pero maya maya lang, bumitaw din siya nang may ngiti sa labi niya. Ang gwapo naman pala nito pag nakangiti. Ngiti ka na lang.

"I like you, Braidel. Tandaan mong lagi kang nandito." Then tinuro niya ang isip niya. "..at dito." Puso naman ang tinuro niya. Tapos hinalikan niya ako sa noo. Feeling ko, sasabog na parang bomba ang puso ko. Palakas nang palakas ang tibok nito.

Wala na akong masabi. Nakatulala lang ako pero deep inside, ang saya saya ko. Di ko naman inaasahan na magugustuhan ko ang mokong na yun pero si heart na mismo ang nagdikta.
Narinig kong tumawa siya.

"You're so cute. Magpahinga ka ba ulit." Then umalis na siya. Dahil hindi ko na kaya ang grabeng emosyon na nararamdaman ko. Kahit nakakahiya dahil baka may makarinig, ginawa ko to.

"KYAAAAAAAAAAAAH!"

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon