Dito magdidinner si Heides ngayon. Kasabay ng pormal na pagpapakilala niya bilang boyfriend ko. Noong mga nakaraang linggo kasi, busy siya sa practice kaya hindi niya nakakausap sina mama.
Nakapambahay lang ako dahil dito lang naman kami sa bahay. Sinabi ko din kay Heides na simplehan lang ang pananamit. Nagluto din si mama ng pagkain. Ang dami nga eh.
Pagbaba ko, nabigla ako dahil nakaupo na si Heides. Naglalaro sila ni Wade.
"Di mo man lang sinabi na nandito ka na pala." Tumabi ako sakanila.
"Gusto kong supresahen ka."
"Ate, boyfriend mo na siya diba?" Tanong ni Wade.
"Oo, baby. Bakit?" Imbis na sagutin ako, ibinaling niya ang tingin niya kay Heides.
"Kuya pogi, wag mong sasaktan si ate ah?"
"Oo naman. Hinding hindi." I smiled. Tiwala naman akong hindi niya ako sasaktan. Sakto nang dumating si mama.
"Mga anak, kumain na kayo." Umupo kami at kumain. Nagpakuwento si mama kung paano naging kami. Kilig na kilig pa nga siya eh. Hanggang sa natapos kaming kumain. Umakyat si mama at nang pagbaba niya ay dala na ang laptop.
"Hi pa!" Sabi namin ni Wade kay papa. Skype pa din ang gamit namin.
"Hi po, tito." Sabi ni Heides.
"Anak, siya na ba ang boyfriend mo?" Tumango ako. "Aba't parehas kami ng kabataan. Pogi!" Natawa kami. Kaloka.
"Anak, masaya ako na nagkaroon na ng mag-aalaga sayo pero wag magpapabaya, okay? At ikaw iho, alagaan mo ang anak namin. Wag mo yang paiiyakin."
"Hindi po, tito. Ako po ang bahala sakaniya." Natapos ang dinner na ang dami naming napagkuwentuhan. Nagpaalam na si Heides kila mama at papa kaya hinatid ko siya sa labas.
"I enjoyed this night."
"Ako din naman."
"Bukas, ikaw naman ang papakilala ko kila mom and dad." And he gave me a smack on my lips. Sumakay na siya at pinaandar ang kotse.
Bukas ako naman. Kinakabahan na ako.
A/N: Last 8-9 chapters na lang!
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!