Chapter 2:

1.5K 73 1
                                    

This is it. This is freaking is it. Hanudaw?! Nababaliw na naman ako.

Anyway, nandito na ako sa pinakainaasam kong university sa balat ng earth, ang Evergreen University. Kung san ako nakakuha ng scholarship. Grabe. Kitang kita ko ang mga mamahalin kotse, bags at damit ng mga naggagandahan at naggwagwapuhang mga estudyante dito. Mao-OP ako panigurado. Hinanap ko ang enrollment table. Nakita ko ito at pumila. Ang awkward talaga kapag alam mong naiiba ka. Sa kagandahan, hindi naman pero kapag  pera na, malaki ang kaibahan.

"Balita ko, may nakakuha daw ng scholar dito. Siya na ang matalino! Top 1 pa nga daw siya sa mga kumuha ng exams. Bilib na ako sakaniya."

"Oo nga pero pangmayaman lang ang school na to. Paniguradong bubully-hin lang ang mga scholars dito."

Usapan ng mga nasa likod ko. Sino kaya yung nagtop 1? Ang galing niya naman. Pero teka, anong sabi nila? Binubully lahat ng scholars dito? So ibig sabihin, bubully-hin din nila ako? Ang sama naman pala ng ibang estudyante dito. Psh. Para namang magpaaapi ako sakanila. Pinalaki kaya akong may paninindigan at marunong makipaglaban.

"Your card please."

"Here ma'am."

"Scholar?"

"Yes ma'am."

"I see." Then binigay niya sakin ang ID ko. Nakarinig na naman ako ng mga bulungan tungkol sa pagiging scholar ko. Ano namang problema nila dun? Porket ba simple lang, di na pwede sa pangmayamang school? Napakamapanghusga naman nila.

Sinimulan kong libutin ang school. Ang laki naman nito. May fountain pa sa gitna. Tapos ang lalaki ng mga buildings. Yung sa college ang pinakamalaki. May garden, may mini park, masasarap na food sa malawak nilang cafeteria at napapalibutan ang school ng mga puno at bulaklak. WOW lang. Sana naman, kung gaano kaganda ang university na to, ganun din kaganda ang mga ugali ng nag-aaral dito.

"Aray!" Napaupo ako sa lakas ng bangga ng lalaki sakin.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo!" At umalis na siya. Walang hiya yun! Hindi man lang nagsorry. Ni tulungan akong tumayo, hindi ginawa. Ano ba namang klaseng hayop yun?

Kakahiling ko lang kanina na sana maganda ang mga asal ng nag-aaral rito kaso parang imposible ata. 

Tumayo ako at nagpagpag. Pag nakita ko ulit yung lalaking yun, humanda siya sakin. Ayoko pang umuwi kaya kumain muna ako sa isang cafe katapat ng school namin. Hindi naman ganun kamamahal ang mga bilihin dito kaya okay lang. Nag-order ako ng fraffe na nagkakahalaga ng 200 pesos. Hindi na rin masama ang presyo. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbasa ng Destined sa wattpad. Shit. Naiyak ako bigla. Namatay kasi si Hailey. Parang timang kong pinunasan ang mga luha ko. Ang babaw ko naman kasi.

"Hi, pwede bang maki-upo?" Sabi sakin ng maganda at sexy na babaeng may dala ng slice of cake and coffee.

"Sure."

"Thanks." Ngumiti siya. May mga tao talagang biniyayaan ng ganda, katulad naming dalawa.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko.

"Venus, Venus Nicole Tolentino." Nilahad niya ang kamay niya sakin.

"Braidel Krish Sandiego. Nice meeting you!" Nagshake hands kami. Wow ah? May friend agad ako.

"Sa Evergreen ka rin ba nag-aaral?"

"Oo. Ikaw din?" Tumango siya.

"Anong section mo?"

"1- A."

"Wow! Magkaklase tayo?"

"Eh di maganda para may kaibigan na ako!" Tumawa siya. Bat ganun? Pati tawa, pangdyosa? "Magkaibigan na naman tayo diba?"

"Oo. Hahaha!"

"Bat ka tumatawa?"

"Wala. Natuwa lang ako sayo." Nye? Ganun lang yung dahilan? May saltik din pala to. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Bakit wala kang kinakain?"

"Busog pa ako."

"Hindi pwede sakin yan. Dapat may kasabay akong kumakain."

"Hala, wag na." Hindi niya ako pinakinggan. Nag-order siya ng pasta para saming dalawa.

"Kain na!" Masigla niyang sabi. Nakakatuwa naman siya. Nagkuwentuhan kami dahilan para mas makilala namin ang isa't isa. Ang takaw din niya, parehas kami. Akala ko, masama na ang araw ko ngayon, hindi naman pala.

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon