Braidel's POV
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. OMG! Tiningnan ko ang damit ko. Yun parin naman. Teka, asan ba ako?
"Good morning 'ney." Pumasok sa kwarto si Heides. Ah, nasa bahay niya ako. May dala siyang breakfast. Sweet naman :">
"Good morning din, 'ney. Aga aga, ang sweet mo ah."
"Siyempre naman." Ngumiti siya pero may mali sa ngiti niyang iyon.
"Teka, bakit dito ako natulog? Lagot ako kay mama."
"Pinaalam na kita. Kain na." I felt relieved. Ngayon lang ako natulog sa ibang bahay, at sa boyfriend ko pa. Kumain kami nang sabay. Ang sarap naman ng almusal nila dito. Nagshower ako. Pinahiram niya ako ng damit. Ang laki nga eh kaya tinack in ko na lang bumagay naman sa suot kong short.
Bumaba kami at laking gulat ko na lang na ang sama ng tingin sakin ng mom ni Heides. Napayuko na lang ako. Yung dad niya, nag-aalala.
"Mom?" Gulat din si Heides. "Anong ginagawa niyo dito? Ang aga niyo atang umuwi."
"May appointment ka sakin, anak." Inangat ko ang aking ulo saka ko napansin ang isang magandang babae. Mukhang anak mayaman rin. Baka pinsan niya.
"Mom." Madiin na sabi ni Heides. Bakit ganun? Bigla akong kinabahan. Parang hindi ko magugustuhan ang mga susunod na mangyayari.
"Why, Heides? Ayaw mo bang mameet ang fiance mo?"
Fiance? Ikakasal siya? Sa babaeng nasa harap ko? SHIT. Naiiyak ako.
"Mom! Stop it!" Mas lalong humigpit ang hawak sakin ni Heides. Nasasaktan ako. Hindi sa hawak niya kundi sa nalalaman ko.
"We have an agreement, son. Marry Antonette or I'll do what I want." May awtoridad na sabi ng mama niya. Hindi ko na nakaya kaya tumakbo na ako.
"BRAIDEL!" Sigaw ni Heides pero hindi ko siya nilingon. Masyado akong nasasaktan. Napunta ako sa garden nila. Langya bakit dito pa? Sana lumabas na lang ako. Nasundan niya ako. Damn.
"Braidel please makini—"
"ANO PANG PAPAKINGGAN KO, HEIDES?! ALAM KO NA, NA IKAKASAL KA SA IBANG BABAE! SIGURO ALL THIS TIME, PINAGTITRIPAN MO NA NAMAN AKO, NO?! MAHAL MO BA?!" Wala paring tigil ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko.
"Hindi, Braidel. Ikaw lang ang ma—"
"AYAW BA SAKIN NG MAMA MO DAHIL MAHIRAP LANG AKO?! NA HINDI KO KAYANG ABUTIN ANG NAABOT NIYO? LANGIT KA AT LUPA AKO. NASA TAAS KA, NASA BABA AKO, GANUN BA? TANGNA! PANGSOAP OPERA LANG YUN, HEIDES PERO NANGYAYARI NGAYON! KUNG HINDI NIYO AKO KAYANG TANGGAPIN BILANG AKO, EDI WAG! MAY PUMIPILIT BA SAINYO? HINDI NIYO ALAM KUNG ANONG HIRAP ANG MAHUSGAHAN KA, LAITIN AT INSULTIHIN! HINDI NIYO ALAM YUN! AT MAHAL MO AKO? KUNG MAHAL MO AKO, IPAGLALABAN MO AKO! AYOKO NA! "
"I'm sorry.." Narinig ko ang mga hikbi niya. Doon na ako tumakbo at pumara ng taxi. Ganito pala ang masaktan. Nakakamatay.
Heides' POV
Umiyak na ako nang umiyak. Ang tanga tanga ko. Ang duwag ko. Hindi ko siya maipaglaban. Bago pa lang kami pero nagkahiwalay na kami. Nasasaktan din ako, nahihirapan. Pero ganito din naman ang gagawin niyo kapag nasa sitwasyon ko kayo. Kaligtasan nilang magpamilya o Pagmamahalan naming dalawa ang nakasalalay dito. Kaya kong magsakripisyo.
A/N: Ang hirap itawid nito. Fineel ko talagang ako si Braidel langya T_T
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Fiksi RemajaTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!