Chapter 4

1.2K 72 1
                                    

Heides' POV

"Oh pre? Bakit puro ka lipsticks dyan?"

"Tigilan mo ako ah. Bad mood ako ngayon."

"Easy. Hahaha!"

Bwisit! Nahabol ako ng mga babaeng haliparot. Hinalik-halikan ako kaya puro lip marks ang nakuha ko sakanila. Kaya ayokong lumalakad nang hindi kasama sina Jaycee at Ivan eh. Natotorture ako.

Akala ko pa naman, nakatakas na ako.  Yun pala hindi. Paano kaya nila nalaman na lumiko ako? Hay! Nakakainis! Simula highschool, marami nang humanga sa taglay kong kagwapuhan at kamachohan. Kaya ang daming humahabol habol sakin. Nakakasira lagi ng araw. Gusto ko, tahimik lang. Naghilamos ako. Pagbalik ko, inasar na naman nila ako.

"Pag hindi kayo tumigil kakaasar, malilintikan kayo sakin!"

"Hahaa! Oo na. Masyadong high blood."

Lumakad kami para pumunta sa next subject. Nagtinginan naman sila samin nang pumasok kami. Yung iba, nagpipigil ng kilig. Pero may nakaagaw ng aking pansin. Isang babaeng nakikipag-usap sa katabi niya. Yung kinakausap niya, pasulyap sulyap sa lugar namin samantalang siya, hindi man lang tumitingin. Naghanap kami ng upuan. Sakto namang may tatlong bakanteng upuan sa likod niya. Doon ako umupo sa mismong likuran niya. Ewan ko ba, pero nagiging interesado ako sakaniya. Sa wakas, lumingon siya saamin pero binawi niya agad ito.

"Ang ganda naman ng nasa harapan mo." Siko sakin ni Ivan.

"Hindi naman."

"Sus. Kunyari ka pa." Gatong naman ni Jaycee. Maganda naman talaga siya pati yung katabi niya kaso parang mataray.

"Miss, anong pangalan ng katabi mo?" Bulong ni Ivan sa kinakausap nung babae kanina.

"A-ah Braidel.." Halatang kinikilig yung babae.

"Ikaw?"

"V-venus."

"Sige thanks!" Kinindatan niya yung Venus. Nagblush naman siya.

"Oh ayan, tinanong ko na ang pangalan para sayo."

"! Di ko sinabing tanungin mo."

"Just say thank you bro."

"Psh."

Braidel. Siya ata yung top 1 sa exam. Woah. Talino niya pala. Isa din daw siya sa scholar.

"Class dismissed." Hindi ko napansin ang pagpasok at paglelecture ng prof. Natulog ako eh. Agad na lumabas yung dalawa pero sinundan namin. Mukhang napansin naman ata nila yun.

"Bakit niyo kami sinusundan?" Tanong ni Braidel.

"Huh? Hindi kaya." Sagot ko.

"Anong hindi? Kanina pa kaya kayo buntot nang buntot samin."

"Oo nga, Heides. Bakit natin sila sinusundan?" Bintukan ko nga si Ivan. Ibuko ba naman daw ako?

"Aray naman!"

"Okay, sinusundan nga namin kayo. Gusto ko lang tanungin sayo kung bat ka nag-aaral dito." Palusot.com. Sa totoo lang, hindi ko din alam kung bat ko sila sinusundan.

"Pake mo?" Tumaas ang kilay niya. Mataray nga.

"Hindi ka kasi bagay dito."

"At bakit?"

"Kasi mahirap ka."

"Oy ano bang sinasabi mo dyan?" Sabat ng kasama niya pero mas nakatuon ang paningin ko sa babaeng ito. Gusto ko siyang asarin.

"Hoy lalaki, Una sa lahat, hindi ako mahirap. Nakakain kami at nabibili lahat ng kailangan namin kahit hindi mamahalin. Pangalawa, ano naman sayo kung dito ako nag-aaral? Kung may problema ka sakin, ikaw ang umalis! Hindi ako. At higit sa lahat, ang galing mong manghusga. Hindi ka pa nga nagsosorry sakin nung nabangga mo ako, dinagdagan mo na agad ang kasalanan mo. Buti na lang nakaganti ako sayo kanina. Bwisit ka!" Bigla niyang hinila ang kasama niya. So siya ang nabangga ko noong enrollment? Tss.. tanga tanga naman talaga siya eh. Hindi tumitingin sa dinadaanan. At ano kamo? Nakaganti na siya kanina? Ibig sabihin, siya ang nagturo sa mga babae kung nasan ako. Nakaramdam ako ng inis. Hindi pwede sakin ang mga ganun. Hindi ako nagpapatalo kahit kanino. Naghiganti ka sakin, pwes maghihiganti din ako sayo. Maggantihan tayo.

A/N:  Basahin niyo sin yung Eerie Academy sa wattpad ko. Thanks.

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon