Heides' POV
"Nasaan na ba si Braidel?"
"Papunta na daw."
Ano ba yan! Ang tagal ng babaeng yun. Di tuloy nakaalis nang maaga.
"I'm here! Sorry guys. Nalate ako ng gising."
"It's okay. Sakay na." Pumasok na siya at tumabi sakin. Bakante kasi ang upuang nasa tabi ko.
"Ano ba yan, katabi pa kita."
"Hindi ko rin gustong makatabi ka." She plugged her earphones and closed her eyes. Ganda pala nito pag nakapikit.
Tiningnan ko ang suot niya. Off shoulders, shorts and sandals. Marunong naman pala siyang magsuot nang maayos.
"Tinitingin mo dyan?" Nahuli niya pala akong nakatingin sakaniya.
"Ang pangit ng suot mo." Sabi ko na lang at tumingin sa labas.
"Thank you ha?" Sarkastiko niyang sabi. Natutuwa talaga ako pag inaasar siya. Pikon kasi.
Makalipas ang anim na oras ng biyahe, nakarating na din kami. May tatlong rooms kaming pinabook. Dalawa naman ang kama kaya by pair kami sa kwarto.
Dahil sa pagod, naisipan naming kumain muna. Pero wala si Braidel. PaVIP talaga ang babaeng yun.
"Nasan si Braidel?" Tanong ni Kyle.
"Sa kwarto." Sagot ni Venus. "Ay, Heides. Punta ka sa kwarto namin. Pakuha ng phone ko. Naiwan ko eh."
"Huh? Bat ako? Si Kyle na lang."
"Oo nga. Ako na lang." Sabi ni Kyle.
"Hindi pwede. May pag-uusapan kami about sa story. Dali na Heides, Please?"
"Tsk. Oo na." Labag sa loob akong pumunta sa kwarto nila ng pangit na yun. Hindi nakalock.
Hinanap ko ang cellphone ni Venus pero di ko makita. San naman niya nilagay yun? Naghanap ako sa table na katabi ng CR. Hanggang sa may lumabas na nakatapis na babae.
"AHHHHHHHH!" Na-out of balance siya at nasama ako. Kaya nakapaibabaw siya sakin. At hindi sinasadyang nagdampi ang mga labi namin. Nagulat kami pareho.
"Waaaaaah!" Tumayo kami. Tanga kasi eh. Lalabas na nga lang ng banyo, nadulas pa. "Bat ka ba kasi nandito?!"
"May pinakuha sakin si Venus."
"Hmp! Shoo! Layas na! Perv!"
Walang imik akong lumabas. Ang sarap din pala mahalikan yung mahirap na yun. Nabitin ata ako.
A/N: Anong say niyoo?
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Novela JuvenilTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!