Chapter 19

1K 59 1
                                    

Braidel's POV

*tok,tok,tok*

Pinagbuksan ko sila ng pinto.

"Hi braid!" Bati nila sakin.

"Hi din!" At pumasoks sila dala dala ang mga laptop nila. Mga yayamanin talaga.

"So let's start editing." Sabi ni Ivan kaya inedit na namin ang shinoot namin noong nakaraang linggo. Last week na pala ng hayahay na buhay namin ngayon. Balik school na ulit next week T_T

Marami kaming dinagdag na mga pampaganda tulad na lang ng mga effects at iba pa. Ewan ko lang kung di pa matuwa ang prof. namin dito. Isang oras din kaming nageedit kaya nilagay ko na ang pagkain namin. Sarap na sarap naman sila dahil si mama ang nagluto bago siya pumasol ng trabaho.

"Ang sarap talaga ng luto ng mama mo! Da best!" Sabi ni Kyle.

"Thanks kyle." Nginitian ko siya. Napatingin ako kay Heides at nagtama ang mga mata namin. Umiwas na lang ako dahil baka matunaw ako.

"Ate? Sino sila?" Sabi ni Wade habang bumababa na nagkukusot ng mata. Nakatulog kasi ito pagkatapos maglaro. Binuhat ko siya at kinalong.

"Mga kaklase ko sila. Uhm guys, kapatid ko."

"OMG! He's so cuteeee!" Pinisil ni Venus ang pisngi ni wade.

"Thank you ate. Maganda ka naman po." Sabi ni Wade.

"I like your brother na! Hindi nagsisinungaling." Then nagtawanan kami. Baliw kasi si Venus eh.

"Ang cute niya, braid. Parang ikaw." Sabi ni kyle.

"Yun oh! Damoves pre!" Asar nila Ivan.

"Psh." Rinig kong sabi ni Heides. May dalaw ata to ngayon.
Natapos na kaming kumain kaya binuksan ko ang TV para di sila mabored. Dinala ko ang mga pinggan para hugasan. Pero nabigla ako nang nakasunod pala sakin si Kyle.

"Tulungan na kita." Sabi niya.

"Okay lang. Manood na lang kayo dun."

"Sure?"

"Ano ka ba? Parang di naman ako sanay." Pagkasabi ko nun, umalis na siya pero sumulpot naman si Heides.

"Ako na dyan." Sabi niya.

"Kaya ko na. Manood ka na lang dun."

"Then please let me help you."

"This is my house so ako ang bahala, okay?"

"Psh. Sabi mo eh." Kagaya ni Kyle, umalis na din siya. What the hell is going on to the both of them?

Patapos na akong maghugas nang may naramdaman akong pumasok sa kusina for the third time.

"I said I can handle—" Pagkalingon ko, si Wade pala. Akala ko bumalik na naman yung dalawa.

"Anong sinasabi mo ate?" Nagpunas ako ng kamay saka lumuhod sa tapat niya para maging magkasing level kami.

"Wala baby. Akala ko kasi yung mga classmates ko. Anong kailangan mo? Nauuhaw ka ba?" Tanong ko. Ngunit napanganga ako sa sinagot niya. I mean tinanong niya.

"Boyfriends mo ba yung pumasok dito, ate?"

"H-huh? Hindi baby."

"Akala ko po kasi boyfriends niyo sila." With 's' talaga?

"Pero baby, sinong mas gusto mo sakanila?"

"Gusto ko ako lang ang baby mo forever. Pero kung papapiliin mo po ako sakanila, mas bagay po kayo nung kuya Heides." Sabi niya. Parang nagdiwang ang kaloob looban ko at hindi ko alam kung anong rason.

"Ikaw talaga! Siyempre, ikaw lang ang baby ko. Kaso paglumaki ka na, hindi na." Tapos ginulo ko ang buhok niya.

A/N: Agree ba kayo sa sinabi ng bata?

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon