Chapter 17

1K 56 0
                                    

Braidel's POV

Umahon ako sa tubig dahil nilalamig na ako. Brr. Dapat kasi nagt-shirt na lang ako.

"Here. Nilalamig ka na." Sabi ni Kyle sabay suot sakin ng jacket. I smiled.

"Thank you."

"Anything for you." At kumindat pa siya. Tumawa na lang ako. Nang linungin ko sina Venus, masaya silang nagtatampisaw sa tubig pero umahon si Heides nang inis na inis.

Sinundan ko siya dala na rin ng pag-aalala. Baka kasi magwala yang hudas na yan dito. Naabutan ko siyang nakaupo sa may buhangin.

"Heides? Okay ka lang ba?" Lumingon siya sakin nang gulat.

"Why are you here, Braidel?"

"Nagworry lang ako kung bakit bigla kang tumayo. Inis na inis kasi ang itsura mo kaya sinundan kita dito." Natahimik siya. "Pero kung ayaw mo, aalis nalang ako." Tumalikod ako pero nahawakan niya ako sa kamay. Para akong nakuryente.

"Please stay." I sighed and tumabi sakaniya.

"Tell me, bakit ka ba pumunta dito."

"Kasi naiinis ako."

"And why?"

"Kasi nagseselos ako." Si heides? Nagseselos? Taray, may lovelife pala to.

"Kanino?"

"It's none of your business."

"Psh. Sungit." Hindi niya ako pinansin. Kaya tumingala ako para tingnan ang napakagandang hangin.

"Tingnan mo oh! Ang ganda! Paheart shape na constellation." Tas tinuro ko yung tinutukoy ko.

"Mas maganda ka dyan." Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Mas maganda ako?

"Anong sabi mo?" Pag-uulit ko. Mahirap na. Baka mag-assume na naman ako.

"Wala. Sabi ko, mahirap ka. Pangit mo pa." Tss. Yan na naman siya sa panlalait niya. Trip na trip niya ako no? "Tara na. Tulog na tayo. Maaga pa ang alis natin bukas."

Tumayo ako at nagpagpag. Ganun din ang ginawa niya. Bumalik kami sa hotel. Sumalubong samin ang tila mapang-asar na mga tingin. Hay nako. Tamang tama naman na nakapagbihis na ang iba. Magpapahinga nalang. Nagshower ako at nagbihis ng pambahay.

"Oy friend, tell me. Is there something between you and Heides?" Tanong ni Venus.

"Wala no." She shrugged.

Humiga ako at tiningnan ang kisame. Mas maganda daw ako? Akalain mo yun? Sasabihan niya ako nang ganun. Bigla akong nakaramdam ng parang nagliliparang paru-paro sa tyan ko. Kinikilig ako.

Hala! Kinikilig ako?!

A/N: Parang tanga lang si Braidel eh no? HAHAHA

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon