Uwian.
"Venus, di na muna ako sasabay sainyong dalawa. Kailangan ko pang mamalengke eh." Sabi ko.
"Samahan ka na namin."
"Wag na." Matapos ko silang pilitin na hwag na akong samahan, umuwi na rin sila. Kailangan ko kasing mamalengke. Walking distance lang naman from school ang palengke kaya hindi na nila dapat akong samahan.
Habang naglalakad ako, pakiramdam ko may sumusunod sakin. Nang tingnan ko naman sa likod, wala naman. Baka napaparanoid lang ako. I continue walking and then suddenly, may tumakip ng panyo sa bibig ko.
Nakakahilo ang amoy ng panyo. Unti unting lumabo ang paningin ko kaya hindi ako makapalag.
*******
Pagmulat ko, nasa isang bodega na ako. Nakatali ang mga kamay at may takip ang bibig. Shit. Nasan ako?"Oy gising na pala ang ultimate whore." Isang babae ang lumabas mula sa pinto.
"Hey bitch. Miss me?" Teka. Ito yung nanguna sa pambabato ng itlog sakin. Ang dami nilang mga babaeng bumasok. Fans club ata to ni Heides. Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat di na pinanood yung film.
"Oh, hindi mo pa pala ako kilala. I'm Tina. The leader of Heides' Lovers." Ang corny naman ng pangalan ng fans club nila. Marahas niyang tinanggal ang takip sa bibig ko. Ouch ah.
"Nabalitaan kong gumawa kayo ng love story ah? Pinanood pa nga ng iba. Blockbuster ba? Tss. Naenjoy mo yung kissing scene niyo ni heides?"
"Ano bang sinasabi mo dyan?"
"Don't act as if you don't like it, bitch." Kanina pa to bitch nang bitch. Nakakaasar na ah.
"Matigil tigil ka dyan sa pagtawag mo sakin ng bitch ah! Tinatawag mo lang ang sarili mo." Tapang ko naman.
"Anong sabi mo?!" Galit na galit siya. "Pakawalan niyo yang babaeng yan nang matuto ng leksyon!" Tinanggal nila ang tali ko at pinatayo. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko. Sinampal ako nang malakas ni Tina. Magkabilaan yun. Sakit langya.
"Ano? Masarap bang lumandi ha?" Tas sinikmuraan niya ako. Napaiyak na lang ako. The last thing I knew, may pumalo sa likod ko.
"Heides..." Tawag ko sa pangalan niya bago nawalan ng malay.
Heides' POV
Kanina pa ako kinakabahan. Feeling ko may masamang nangyayari. Pauwi na sana ako nang nakasalubong ko ang isa kong kaklase na lalaki. Hingal na hingal siya.
"Heides...S-si...Si Braidel!" Mas lalong sumidhi ang kaba ko kaya kinuweluhan ko siya.
"Anong nangyari sakaniya?!"
"Ha...hawak siya nila T-tina! Sinasaktan siya sa bo...bodega!" Iniwan ko na siya at tumakbo. Damn. Baliw na talaga ang Tina na yun. Pag may nangyaring masama sakaniya, hindi na ako magdadalawang isip na manakit ng babae.
"Ano? Masarap bang lumandi ha?" Kitang kita ko kung paano sinikmuraan ng baliw na yun ang babaeng gusto ko. Naiyukom ko ang aking kamao sa galit lalo na nang paluin si Braidel ng kahoy sa likod kaya natumba ito.
"ITIGIL NIYO YAN!" Sigaw ko.
"Hi babe!" Sabi ni Tina na masaya pa.
"Don't call me babe! You freak!" Lumapit ako sakaniya at sinampal siya. Ayokong manakit ng babae pero ibang usapan na pagdating kay braidel. Nakita kong nagulat sila sa ginawa ko. Umiyak din si Tina. The fuck I care?!
Binuhat ko ang kawawang si Braidel. Nagpara ng taxi at sumakay kami. Kailangan ko siyang dalhin sa ospital. Tinawagan ko ang pulis para hulihin ang mga baliw na yun. Nakick out na nga sila, hindi pa nadala.
"Tama na...please..." Umiiyak na sabi niya. Sinubukan ko siyang gisingin at minulat niya ang mata niya.
"H-heides?"
"Braidel, I'm sorry."
"H-hindi mo kasalanan yun." Kita ko ang hirap niya sa pagsasalita.
"Gusto kita braidel kaya please, wag kang bibigay." I know that this is not the right time to confess but I can't help it. Hindi ko ata kayang mawala siya. Nakita ko ang pagngiti niya. Hinawakan niya ang mukha ko dahilan ng malakas na pagtibok ng puso ko.
"S-salamat sa pagligtas, Heides. G-gusto din kita..."
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Подростковая литератураTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!