Braidel's POV
Kanina pa ako umuwi galing sa 'Friendly Date' namin ni Kyle na siningitan ni Heides. Busog na busog ako.
Nakaupo ako ngayon sa sala at naglalaptop. Facebook lang naman ang ginagawa ko. Tapos wala pang messages walang notifications or friend request man lang ako na natatanggap. Ganyan kaboring ang buhay ko.
*Tok, tok, tok*
7:00 na, meron pa ding pupunta dito? Tumayo ako para pagbuksan ang nanggugulo sa tahimik naming bahay.
"Hi Braid!" Dyosa naman pala yung kumakatok. Dyosang may sira. Joke.
"Bakit, Venus?"
"Anong susuutin mo bukas?"
"Huh? Bakit mo natanong?"
"Eeehhh! Dali na. Para parehas tayo ^____^" Sabi ko sainyo eh, may sira tong kaibigan ko.
"Uhmm, sa totoo lang, di ko pa alam."
"Ano?! Dapat may susuutin ka na bukas atsaka dapat, mas maganda ka. Samahan mo ako bilis!"
"Saan?"
"Sa mall. Mamimili tayo."
"Wala akong pera."
"Libre ko. Leggooo!" At hindi na ako nakapalag dahil hinila niya na ako. Tinext ko si mama na may pupuntahan ako kasama si Venus. Pumayag naman siya.
Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar niya iyon. Sabagay, tama siya. Kailangan ng bagong damit para sa film.
Pumasok kami sa mall. Bungad palang, makikita mo na ang isang Clothes' Shop.
'Tolentino Dresses'
Tolentino? So sila ang may-ari nito?
"Sainyo to?"
"Yup! Kaya wala kang kailangang problemahin!"
"Sabi ko nga eh." Kulay palang, bongga na. Gold and white kasi. Napaka-elegant.
Pinili niya ako ng sandosenang damit at mga sapatos. May shorts, skirts, dresses, polo, sleeves at marami pang iba.
"And for the finale, Swimsuit!" Binigay niya sakin ang isang black one-piece swimsuit. Di ganun kasexy pero nakakahiyang magsuot ng ganito. Lalo na't mga makikisig na lalaki at isang pinagpalang babae ang mga kasama mo.
"Magshoshooting lang naman tayo. Bakit kailangan nito?"
"Ano ka ba! Sulitin na natin ang pagstay sa bora no. Sayang naman." Hay. Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na baliw T___T
Matapos ang bilihan session namin, kumain kami at umuwi na. Onti lang ang kinain ko dahil natutulog pa ang mga bulate sa aking tyan.
"See you tomorrow! Paganda ka for Heides ah?"
"Huh? Bakit naman?"
"Wala lang. Para magkadevelopan kayo."
"Never no! Patayin niyo muna ako."
"Akin na ang kutsilyo para mapatay kita. Kakainin mo din yang mga pinagsasabi mo."
"Ewan ko sayo. Layas na!" At umalis ang gaga na patawa tawa.
Bakit naman ako magpapaganda para kay Heides? Eh wala namang nakitang iba yun sakin kundi mga pangit. Tss. Nakakainis kaya! Kung magpapaganda ako, hindi para magkagustuhan kami. Kundi para patunayan sakaniya na may ibubuga ako.
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Teen FictionTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!