Braidel's POV
Ilang araw na akong nagmumukmok sa kwarto ko. Mugto na nga ang mga mata ko, kakaiyak. Nakakainis. Hindi ko din sinasagot ang mga nagtetext sakin.
*tok tok tok*
"Pasok." Walang kaemo-emosyon kong sabi.
"Anak? May bisita ka." Huh? Sino?
"Ayokong lumabas, ma."
"Pero anak, sila ang mga tunay mong mga magulang." Napabalikwas ako ng tayo. Totoo ba to? Nandito ang mga tunay kong magulang? Kahit naman na hindi ko sila hinahanap, gusto ko pa din silang makita at malaman kung bakit nahiwalay ako sakanila.
"Sige po, susunod na po ako."
Inayos ko ang aking sarili. Mukha akong binagyo sa itsura ko. Ang sakit kasi. Bumaba ako. Alam na rin nila mama na wala na kami ni Heides dahil sa nangyari. Naintindihan naman nila iyon. Nakita ko ang dalawang tao na prenteng nakaupo sa sofa namin, katapat sina mama at wade. Noong nakita nila ako, napayakap nalang sakin ang babae. Napayakap na lang din ako. Ang gaan sa pakiramdam. Ito na yata ang lukso ng dugo.
"My daughter.." She cried so I cried. Gosh. Lagi na lang ba akong iiyak? Lumapit na din sakin ang lalaki at niyakap ako. Samakatuwid, nakagroup hug kami or should I say, Family hug. Nang magkalasan kami sa yakap, umupo kami.
"How did you know na ako ang anak niyo?" Yun agad ang tanong ko. Mukha naman silang mayaman pero mabuti nang makasigurado.
"We hired a private investigator and he discovered na ikaw yun. Dahil na rin sa date of birth mo at sa kwintas na binigay ko sayo, kapartner ng kwintas ko." Sabi ng ginang.
"Anak, ito ang tinutukoy niya." Pinakita ni mama ang gold necklace na may angel na pendant. Tiningnan ko ang ginang. Meron din siyang ganun.
"Bakit niyo ko iniwan?"
"We didn't leave you, anak. You were kidnapped. Iyak nang iyak ang mommy mo noon dahil di namin malaman ang gagawin. Pinahanap ka namin sa pulis pero wala rin silang nahanap. Maniwala ka samin, anak." Sabi ng ginoo. He looks sincere. Naniniwala na ako pero I want proof.
"MagDNA po tayo para makasigurado." Umaliwalas ang mga mukha nila.
"Of course, anak. Sure."
"Thank you very much, Louisita for this chance." Sabi nila kay mama.
"Walang anuman po. Karapatan niya pong makasama ang tunay niyang pamilya." Tiningnan ko si mama nang may pagkabigla. Sasama? Akala ko malalaman ko lang na sila ang tunay na mga magulang ko. Nahiwalay na nga ako sa mahal ko, mahihiwalay pa ba ako sa pamilya ko?
"Anak, wait for us. Magkakasama na tayo. Hindi mo pa kami kilala. I'm Mrs. Maevel Villanueva. Call me mommy. Pero kung di ka pa kumportable, okay lang."
"I'm Mr. John Villanueva. Dad na lang pero gaya ng sabi ng mommy mo, okay lang kahit wag muna." Ngumiti na lang ako. Sa huling pagkakataon, nagyakapan ulit kami at umalis na sila.
A/N: Yan na ang mga real parents ni Braidel. Natatandaan niyo pa ba sina Mrs. and Mr. Villanueva?
![](https://img.wattpad.com/cover/73988793-288-k66296.jpg)
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Teen FictionTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!