Napatunayan na sina Mr. and Mrs. Villanueva ang tunay kong mga magulang. At ngayon, pupunta kaming States. Dun daw muna kami.
"Ate, mamimiss kita. Wag mo akong kakalimutan ah? Ako parin ang baby mo. I love you ate." Nag-iiyakan na kami dito kanina pa. Lumuhod ako para maging kalevel niya ako.
"Siyempre, di ka makakalimutan ni ate.. Mamimiss kita, wade. I love you too, baby.." Niyakap ko siya nang mahigpit. Tumayo ako at niyakap naman si mama. "Ma, thank you kasi palagi kang nandyan para sakin. Thank you sainyo ni papa dahil inalagaan niyo ako. I love you po. Promise, pag bumalik kami dito, kayo agad ang una kong dadalawin." Umiiyak din si mama.
"Mahal din kita, anak."
"Braidel, let's go." Sabi ni mommy. Sinasanay ko na ang sarili kong tawagin silang mommy at daddy. I wiped my tears as we went inside of our car. Binuksan ko ang bintana ng kotse. I waved at my mama and Wade. I mouthed 'bye.'.
Ilang oras ang lumipas, nakarating na kami sa airport. Saktong flight na namin kaya sumakay kami sa airplane. Maya maya pa, umandar na ito. Ngayon lang ako makakasakay ng airplane kaya manghang mangha ako sa ganda ng tanawin na aking nakikita.
"Are you okay?" Tanong ni mommy na katabi ko. Sa likod naman si dad.
"Yes, mommy." At muli akong lumingon sa bintana.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako mahihiwalay kila mama. Mahirap sakin yun lalo na't napamahal na talaga ako sakanila. Pero siguro, pinagpala parin ako ng Diyos dahil binigay niya sakin ang mga tunay kong magulang. Siguro, tama na din ang umalis kasabay ng paglayo sa sakit.
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Teen FictionTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!