Ang sakit ng ulo ko. Iminulat ko ang aking mga mata. Bakit puti ang paligid? Wag mong sabihing...
PATAY NA AKO?
Napaupo ako bigla at nakita ang nurse namin. Ang OA ko pala. Nasa clinic lang naman ako -.-
"Gising ka na din! Ano? Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo? Sabihin mo lang at reresbakan natin yung mga yun!" Sabi ni Venus.
"Okay na ako. Masakit lang ulo ko. Teka, paano ako napunta dito?"
"Naglakad ka habang walang malay." Binatukan ko siya. "Ouch naman! Okay ka nga. Psh."
"Eh paano nga kasi?"
"Binuhat ka."
"Nino?"
"Heides." Bakit naman ako bubuhatin nun? Ano siya? May concern sakin? Eh wala na nga siyang naidulot na maganda sa buhay ko kundi mga pasakit lang.
"Imposible. Siya kaya ang dahilan kung bat ako binato ng mga itlog."
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Basta si Heides yung nagdala sayo dito. Oo nga pala, excuse na tayong dalawa sa lahat ng subjects. Nakick out na rin yung mga impokritang nangbully sayo. Yan kasi, umaalis ka basta basta. Umiinit na kaya ang mga tingin sayo ng mga girls lalong lalo na yung mga fangirls ni Heides. Napapalapit ka na kasi dun sa gwapong nilalang na yun." Yun? Gwapo? Well, oo pero pag sinama mo ang ugali niya, mukhang kurimaw. Atsaka di naman kami close. Lumalapit lang siya sakin para asarin ako. May dapat bang kainggitan dun?
Binilinan lang ako ng nurse na magpahinga sa bahay at wag nang papabully. Pano ko naman gagawin yun? Oo nga't marunong akong makipaglaban pero duh! Isa laban sa isang baranggay? How will I do that?
"Hatid na kita sa bahay mo."
"Okay."
Sumakay kami sa kotse ni Venus. Pumikit ako dahil sa sakit ng ulong nararamdaman ko. Siguro, natamaan din ito ng itlog. Maya maya pa, nakarating na kami sa bahay.
"Bye Venus. Thank you sa paghatid. Ingat!"
"No problem, Braid! Basta ikaw. Pahinga ka. Bye!" Pinahururot niya ang kotse. Nadatnan ko si mama na nagluluto.
"Hi ma."
"Oh anak, namumutla ka ata? May sakit ka?"
"Wala po ma. Masakit lang po yung ulo ko."
"Ganun ba? Sige, magpahinga ka na doon at mamaya kakain na tapos inom ng gamot."
"Opo. Ay ma, may nakalimutan po pala akong ipakita sainyo." Inilabas ko ang cellphone ko. Buti hindi nabasa yung phone ko. Pinakita ko sakaniya ang picture ng listahan ng examinees. Nakalimutan ko kasing ipakita nitong mga nakaraang araw dahil sa tambak tambak na mga assignments.
"Wow nak! Ang galing mo talaga! Sasabihin ko yan sa papa mo mamaya. Sigurado akong, matutuwa yun!" Ngumiti ako at nagpaalam na aakyat na ng kwarto.
"Hi ate!" Salubong sakin ni Wade na naglalaro ng kanyang kotse kotsehan sa kwarto ko.
"Hi baby! Naglalaro ka na naman?"
"Opo!" Ang cute talaga ng kapatid ko!Sarap pisilin.
"Sige baby. Tutulog muna si ate ah? Behave okay?"
"Opo. Sweet dreams ate." Tas hinalikan niya ako sa pisngi. Sweet na bata.
Napaisip ako saglit. Siguro, kailangan kong magthank you kay Heides. Tama! Sa lunes pasasalamatan ko siya. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog na.
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Teen FictionTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!