Chapter 33

931 45 1
                                    

Years passed.

Marami nang nangyari. Nakapag-adjust na ako nang tuluyan, may new friends ako, nag-aral sa bagong school, bagong memories. Nakasama ko ulit si Kyle dahil same kami ng school. Graduate na kasi kami. Nag-uusap pa naman kami nina mama via skype. Nakauwi na din si papa at sa awa ng diyos, malaki laki ang naipon ni papa kaya medyo guminhawa ang buhay nila doon. 10 years old na din si Wade. Ang pogi pogi niya. Tapos sina Venus at Ivan ay magboyfriend at girlfriend na while si Jaycee naman, isang sikat nang chef sa pilipinas. He really loves food.

Si Heides? Wala akong balita sakaniya dahil ayokong may malaman tungkol sakaniya. At isa siguro sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay ang naging sikay na singer ako sa buong mundo. Di ko talaga akalain na madidiscover ako sa pagkanta kanta lang sa mga bars na pinupuntahan namin nila Stacey at Andrei. Tapos nagkaroon ng albums na pumatok worldwide. Ibang iba na talaga ang buhay ko ngayon. Pero mas gusto ko ang simple lang.

"Balita ko, babalik kayo ng 'pinas nila tita?" Isa pa pala yun. Babalik daw kami sa pilipinas next week.

"Oo nga eh. Meron din kasi akong concert dun. And sabagay, namimiss ko na din sina mama."

"Sila nga ba?"

"Sila Venus, Ivan at Jaycee. Meron pa ba?"

"May nakalimutan ka."

"Shut up." Kasama ko ngayon si Kyle sa condo niya. Oh, wag malisyoso. Friends lang kami nito atsaka may girlfriend na siya na taga-dito din. Alam niya din ang nangyari samin ni Heides. Inaasar niya nga ako eh. Sarap sapukin -____-

"Tss. Bitter."

"Stop with that expression, Kyle. I'm not bitter."

"Okay. Suko na ako." Hinatid niya ako sa bahay.

"Thank you sa pambwibwisit. Hala, sunduin mo na yung gf mo." Tumawa lang ang mokong. Sinalubong ako ng mga maids namin so I greeted them.

"Hi mommy, Hi daddy." I kissed them on their cheeks. Nanonood sila ng movie while eating popcorn.

"Anak, tumawag ang manager mo. Handa ka na daw ba para sa concert mo sa pinas?" Nakiupo ako sakanila at sumubo ng popcorn.

"Mom, ilang beses ko bang sasabihin diyan sa manager ko na handang handa na ako." Napailing na lang sila.

Naeexcite ulit akong bumalik ng philippines but at the same time, kinakabahan din ako sa pwede kong mangyari...sa pwedeng bumalik.

Above and Below (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon