Weekend. At ngayon ang groupings namin sa bahay. Todo ayos ako ng bahay. Nagluto din si mama. Agad akong naligo at nag-ayos. Pambahay lang.
"Anak! Baba na! Andito na sila." Nagmamadali akong bumaba. Sakto sa time. Nice! Pinagbuksan ko sila ng pintuan. At si hudas ang unang pumasok.
"Maayos naman pala." Tss. Hanggang dito ba naman, aasarin niya ako?
"Good morning tita!" Bati nila kay mama.
"Good morning din. Anak, papasok na ako. Kayo na bahala dito at sa kapatid mo."
"Opo ma." Umupo kami sa sofa at pinaghanda ng pagkain.
"Ano nang plano?" Panimula ni Kyle.
"Siyempre kailangan natin ng bida, ng venue, ng story, ng script at ng mga materials." -Jaycee
"So first, story. Sinong gagawa?" -Ivan
"Ako nalang!" -Venus.
"Okay." Nagcheck si Ivan sa papel niya. Ready talaga sila ah.
"Script?"
"Ako na lang." -Kyle. Nagcheck ulit si Ivan. So parang siya ang leader namin dito.
"Venue?"
"I think sa Boracay. Mas romantic." -Jaycee
"Okay."
"Yung materials and props, mag-aassign ka na lang." Sabi ko. He nodded.
"Baka di mo kayanin ang presyo." Sabi ni Heides. I just rolled my eyes. Kahit kailan talaga! Grr.
"Lastly, characters. Sino ang mga bida? Let's do voting." We all agreed. Nagtaas ng kamay si Venus.
"I nominate Kyle and Braidel." Kinurot ko siya. "OUCH!" Bakit kasi ako? Pwede namang siya. Nagtaas naman ng kamay si Jaycee.
"Heides and Braidel." Trip ba nila ako? WTF.
"Close na ang nomination."
"Ayokong bumoto." -Heides.
"So lima lang tayong boboto. Ako ang huli na pipili. Sige na, magvote na kayo." -Ivan.
"Kyle and Braidel ^___^" -Venus
"Heides and Braidel!" -Jaycee.
"Kahit gusto kong makapartner si Braidel, hindi ako marunong umacting kaya Heides and Braidel." -Kyle. Nalungkot tuloy ako. Ayokong makapartner si Heides.
"Me and Kyle." -Ako.
"Tss." Dinig kong sabi ni Heides. Problema nito?
Kyle and Braidel - II
Heides and Braidel - II
One point na lang ang natitira. Nakasalalay ang future ko kay Ivan. Sana naman piliin niya si Kyle. Mas gugustuhin ko namang makasama si Kyle kesa kay Heides no!
"So it's my turn. I vote for.." *crossed fingers* PLEASE IVAN. Piliin mo ang makakabuti sakin. Huhuhuhu. "Braidel and Heides."
Pakiramdam ko, gumuho na ang aking mundo. Pakingtape.
"I guess, tapos na tayo sa planning. Kainan na!" -Jaycee.
"Swerte mo, makakapartner mo ako." Sabi sakin ni Heides Hudas.
"Anong swerte? Malas kamo."
"Ako kaya yung malas."
"Che!"
Di pa rin ako makaget over. Kami talaga ang bida? Buti sana kung horror pa tapos ako yung multo at siya ang papatayin ko kaso hindi. LOVE STORY. Putek.
BINABASA MO ANG
Above and Below (COMPLETED)
Novela JuvenilTingnan natin kung sinong makakagets ng Title hahaha. Enjoy reading!