Chapter1: Farewell

17.6K 575 35
                                    

Serenity's POV

Krinnnnngggggg

Mabilis kong pinatigil ang ingay ng alarm clock ko. Hayss kailangan ko na ulit naming pumasok. Nakakatamad man ay pinilit ko.

"Ate bumangon ka na, pasok  n---"

Pagtingin ko sa tabi ko, wala siya roon.

Baliw na nga talaga ako, wala na nga pala ang ate. Kakalibing lang namin sa kanya noong nakaraang araw. Dahil sa mapait na alaala ay muling tumakas ang mga butil ng luha sa mga mata ko. Hindi pa pala sila nauubos?

Bumangon na ako kama ko, inayos ko rin iyon para di na maabala pa si manang.
Matapos iyon ay inayos ko ang buhok ko, doon ay napansin ko ang ribbon clip ni ate sa ibabaw ng drawer, napangiti ako, isa ito sa mga regalo ko sa kanya noong nakaraang kaarawan niya. Binalik ko muli iyon sa loob ng drawer, baka kasi mawala iyon kung iiwan ko na lang ng ganoon.

6:30 am na, 7:30 ang pasok ko. Dadalawin ko pa pala ang ate ko. Agad akong pumasok sa banyo rito sa kwarto ko at naliligo.

Habang nililinis ko ang sarili ko, di ko maiwasang maalala ang ginawa ng mga bastardong iyon sa ate ko, hinding hindi ko sila mapapatawad! Pinahiya nila mismo ang school president namin, sinaktan at minolestya! Anong klaseng mga nilalang sila? Biktima ng bullying ang ate ko. May pagkakataon pa ngang vinideohan sya na pilit hinahalikan ng isang teacher namin na lalaki at vinedeo iyon ng demonyang Maxine. Kumalat iyon at mas lalong lumala ang sitwasyon. Pati boyfriend nya ginago siya.

Oo, alam ko na masakit ang mga pinahdaanan nya, pero bakit humantong pa sa ganito? Bakit umabot pa sa puntong binawi niya ang sariling buhay?

Malaming ang tubig mula sa shower, pero parang wala lang sa akin. Matapos ang ilang mga minuto ay natapos ko na ang paliligo ko. Lumabas ako sa banya at inayos ang sarili ko. Nagsuklay, sinuot ang uniporme at sapatos. Muli kong nakita ang repleksyon ko. Di na sya tulad ng dati. Halata pa rin ang pamamaga ng mata ko dulot ng pag-iyak.

Nagkibit balikat na lang ako at bumaba na upang mag almusal.
Pagpunta ko palang sa kusina ay nandoon si manag Rosie, katulong namin simula pagkabata namin ni ate. Siya na ang nagsilbing pangalawang ina namin ni ate dahil madalas wala sila mama dahil sa mga business trip nila.

"Good morning ija"

"Good morning din po"

Batian namin sa isa't isa. Dahil nag mamadali ako ay kaagad ko sinubo ang sandwich na ginagawa pa lang ni manang. Kailngan kong magmadali.

"Nasaan sila Mom?"

Tanong ko habang ngumunguya.

" Kilala mo naman ang mga iyon. Mga masyadong busy sa trabaho. At syempre kinakalma ang mga sarili dahil sa nangyari."

Malumanay pero may lungkot na wika ni manang. So, wala pala sila ngayon sa bahay. Alam kong pagod sila sa mga nangyari pero mas lalo nilang pinapahirapan ang mga sarili nila.

" Manang pabalot nga po ng sandwich, dalawang piraso. Ibibigay ko po sa ate ko. Kilala nyo naman iyon, paborito niya ang mga ginagawa ninyong pagkain."

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko ng maalala kung gaano katakaw si Ate sa mga ginagawang pagkain ni Manang, kaya naiingit si Mom.

Ngumiti sa akin si Manang at hinanda na ang dalawang sandwich, nilagay niya ito sa isang lunch box at kaagad na binigay sa akin.

"See you later manang."

Paalam ko at nagmamadaling nilagay ang lunch box sa bag ko na nasa sala. Agad na rin akong lumabas matapos iyon.

Saktong nasalubong ko si Manong Jose na driver namin, kasabayan lang niya si Manang Rosie. Silang dalawa ang nagsilbing pangalawang magulang sa amin ni ate.

"Sa ate mo?"

Tanong niya. Tumango ako bilang pag-oo.

"Sa Ate ko po."















---------------------------------

Ilang minuto rin ang tinagal ko sa byahe at sa wakas ay nakita ko na ang sementeryo kung saan nakahimlay ang ate ko.
Pag kahinto na pagkahinto ng sasakyan ay bumaba na agad ako.

"Huwag nyo na po kong hintayin manong. Malapit lang naman po ang school mula rito kaya lalakarin ko na lang po."

Sabi ko.

"Sige ija. Ingat."

Pagkatapos noon ay nagmaneho na siya palayo.
Pumasok na ako sa sementeryo, tumakbo ako papunta sa lugar kung nasaan si Ate.

"Hello!!!"

Bibong bati ko sa kanya. Umupo ako sa damuhan at hinawi ang mga dahong tumatabing sa pangalan niya.

                   Serina Dizon
" You will always be remembered"

                     20XX-20XX

Kinuha ko sa bag ko ang lunch box at tinabi iyon sa kanya.

"Iyan, sandwich ni Manang yan. Alam kong isa iyan sa mga paborito mo ate."

Kausap ko sa kanya pero hangin lamang ang sumagot. Namumuo muli ang mga luha sa mata ko. Tumingala ako para mapigil iyon.

"Sadista ka talaga kahit kailan, Bakit ba sinasaktan mo ko ng ganito?"

Wala na, di ko na napigil pa ang luha ko. Nag uunahan silang tumulo.Di ko na alam kung paano pa ako mag papatuloy. Yung nag iisang tao na best friend ko, kapatid, at kaaway, ay nawala na lang na parang bula.

Hindi ko makayang magpaalam ng tuluyan. Hindi ko siya mabitawan!


"Bakit ba kasi ate? K-Kakayanin n-naman natin ang lahat na yun eh.... B-bakit ka sumuko a-agad?"

Tanong ko habang simasalo ang mga luha ko.

Wala na.

Wala naman na akong magagawa pa. Kailangan ko lang talaga mag move on. Pero ang hirap gawin.

"Farewell na ba ito ate? Hanggang dito na lang talaga siguro."

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Pinagpag ko ang palda ko. Muli ay tumingin ako sa puntod niya.

"Bye na muna ate. Punta muna kong school. Promise babalik ulit ako."

Walang ganang paalam ko.

Bago ako maglakad palabas ay tumingin ako sa langit. Makulimlim, malungkot din tulad ko.

Hanggang dito na lang talaga kami ni Ate. Simula ngayon ay mabubuhay ako ng wala siya. Masakit, pero wala naman akong magagawa pa. Hanggang kailan ko kaya kakayanin ang ganitong klase ng buhay?

Nag lakad ako palabas ng sementeryo. Nilingon ko ulit iyon, sinalubong ako ng malamig na hangin. Peaceful sa lugar na iyon. Buti naman at doon namamahinga ang ate ko.


"Farewell, Ate"



Itutuloy....


Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon