Serenity's POV
Ano naman ba ito? Isa na namang studyante ang namatay, may konekta na naman ba ito kay ate?
Kilala ko si Ate, alam kong hindi nya magagawa ang mga ganoong bagay.
Pero bakit? Bakit tuwing may namamatay ay lagi ko syang nakikita? Ano ba ang gusto nyang malaman ko?
Ano?
"Serenity, Are you alright? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic? "
Tumingin ako kay Suzy at umiling sa kanya.
Nandito kami ngayon sa Faculty. Dinala kami dito pagkatapos ng mga nangyari kanina, walang teacher ngayon dito dahil busy sa mga nangyari. Kami lang ni Suzy ang nasa loob ng faculty.
"Ayos lang ako."
maikili kong sagot sa kanya."Ayos? Serenity look at your face, you look so pale. I dont think that you were really okay."
Napabuntong hininga ako, totoo sya, mukha nga akong di okay. Sino ba naman ang magiging okay kung ganito ang nangyayari sa buhay mo?
"Your right, hindi nga talaga ako okay. I am really frustrated about this things happening in my life now. I think my mind will explode anytime, it was full of question that no one can answer. Except her, she's the only one who can answer all of that. But i dont know how to ask her, because... she's already gone now. "
Is she really gone? Bigla ko iyong naisip matapos kong magsalita.
Inalala ko lahat ng mga pangyayari dito sa school, yung mga pagpatay, pagpapakita ni ate, at ang mga konekta nya sa mga taong namatay na iyon.
Hindi talaga imposible na maaring sya ang may gawa nito, pero papaano?
Biglang may pumasok sa isip ko, yung sinabi ni Suzy kanina bago kami makapunta sa bakanteng room.
"Nakikita ko sya. "
Agad akong napatingin sa kanya dahil sa naalala ko, halatang nagulat sya dahil sa bigla kong pagtingin sa kanya.
"Di ba sabi mo nakikita mo din sya? "
Tanong ko sa kanya, pakiramdam ko tuloy na may alam sya."A-ano? "
Tanong nya pabalik sa akin. Di ko alam pero parang may tinatago sya ayon sa tono ng pananalita nya.
"Kanina, sabi mo nakikita mo rin yung sinusundan ko, alam kong may iba ka pang sinabi pero iyon lang ang natatandaan ko halos."
Saglit syang natahimik, parang nag iisip sya? Ewan pero parang ganoon na nga.
"A-Ah o-oo n-nakita ko din sya, nakakatakot nga eh parang ang sama nun, sino kaya yun? Baka sya ang may gawa ng mga murder! Sya kasi ang nagturo sa atin eh."
Hindi ako nakapag salita. Transferee kasi sya kaya malamang na hindi nya alam ang issue kay ate, at di nya din siguro alam na matagal na itong patay, na hindi tao ang sinundan namin kanina sa bakanteng room.
"May ribbon pa nga yung suot eh."
Napasinghap ako sa sinabi ni Suzy, kung ganoon si ate nga iyon? Hindi ako namamalikmata lang? Nakita rin iyon ni Suzy, kaya sigurado na ako na si Ate iyon.
"Uhm....Kilala ko sya Suzy, kilalang kilala."
Sambit ko sa kanya"T-talaga? So you two were friends? Relatives? "
She ask."Gusto mo ba syang makilala? "
Imbis na sagutin ko ang tanong niya ay muli ko syang tinanong.
"A-ah-eh S-sige? "
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...