Chapter7: Sweet revenge

9.3K 473 35
                                    



Dedicated to:

mitchiego09

iwantu10

NormiemMalinis

sila po yung nag paalala sa kin na mag update, thank you po sa inyo sa pag vote at comment!

Si NormiemMalinis po pala ang pinaka una at madaming vote sa story ko po, maraming maraming salamat po!

Serenity's POV

"A-aray..."

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa sahig at hinimas himas ang batok ko, ang sakit.

Inalala ko ang mga pangyayari bago ako mawalan ng malay. Napayakap na lamang ako sa mga tuhod ko dahil sa mga naalala ko.

Bakit iyon ginawa ni ate? Bakit nagpapakita sya sa akin? May plano ba syang masama sa akin
k-kaya nya ginawa yun? Hindi sa nag iisip ako ng masama pero ano nga ba ang pinaplano nya? hindi naman ako nag iimagine diba? Nakikita ko talaga si Ate.

Dahan dahan akong tumayo habang himas himas pa rin ang batok ko at lumabas ng bakanteng room.

"AHHHHHH!!!!"

Bigla akong na alarma sa narinig kong sumigaw, tumingin ako sa may gawing kaliwa ko kung saan ko iyon narinig.

"A-ano---"

Napaurong ako bigla sa nakita ko. D-Di ko alam ang magiging reaksyon ko, halo halo, kaba, takot, gulat at pag tataka.

P-Pagtingin k-ko doon ay nakita kong may g-gumagapang palabas ng cr naming mga babae, puro dugo ang m-mukha nya. Nakapikit sya at parang dun lumalabas sa mga mata nya ang dugo niya.

Nakita ko din na nakaupo na sa sahig malayo sa pintuan ng cr yung babaeng sumigaw kanina, umiiyak sya malamang na dala ito ng takot at gulat.

Tumingin ako muli sa b-babaeng
gumagapang palabas ng cr, patuloy pa rin sya sa ginagawa nya. Narinig ko syang umungol at parang-- umiiyak sya.

"T-tulong...please..'sob'..Help..."

----------------

Nandito ako ngayon sa room kasama yung babaeng sumigaw kanina, kaklase ko pala sya, wala kasi akong pakielam sa mga kaklase ko kaya nakakalimutan ko ang mga pangalan nila tsk.

Dalawa lang kami sa loob, pinalabas ang iba ko pang mga kaklase dahil kami lang daw ang kakausapin ng pulis, at dahil nga tsismoso ang iba kong kaklase, tumambay sila sa labas at nakatingin mula sa bintana.

Biglang bumukas ang pinto ng room namin at iniluwa noon ang class adviser namin at isang pulis na naka gloves at may hawak hawak na pad paper at ballpen.

"Guys, may itatanong lang kami sa inyo about sa nangyaring insidente."

Sabi ng teacher namin, tumango ang kasama ko, samantalang ako walang binigay na kahit anong expression.

"Nasaan at ano ang ginagawa nyo nung mga oras bago mangyari ang krimen? "

Unang sumagot ang kasama ko sa tanong nung pulis ng matapos siya ay ako naman ang nagpahayag, sinabi ko lahat, pwera lang ang tungkol kay ate dahil alam kong di nila ako paniniwalaan. Iniba ko lang yung tungkol sa bakanteng room malapit sa cr, ang sinabi ko ay tumambay ako roon at nakatulog.

"Wala ka man lang narinig na humingi ng tulong o sigaw? "
Tanong ng pulis sa akin matapos kong mag kwento.

"Wala"
Maikili kong tugon.

Pagkatapos nun ay pinalabas na kami sa room, sinalubong naman ako ng mga tingin ng mga kaklase ko. Nakakairita ang ginagawa nila, nag lakad ako palayo sa kanila, mas maganda pa kapag sa likod ng school na lang ako pumunta siguro doon tahimik.

Habang nag lalakad ako ay naririnig ko ang mga pinag uusapan ng mga nadadaanan kong mga estudyante, lahat ay tungkol sa nangyaring krimen.

Nalaman ko rin sa mga narinig ko na sinaksak sa dib dib atpinugutan daw ng ulo si Jane at dinukot ang mga mata ni Jenny, nalaman daw ito ng mga pulis sa binigay na pahayag ni Jenny. At hanggang ngayon hindi pa raw ito nahahanap. Habang naririnig ko ang mga pinaguusapan nila ay tila nanlalambot ang mga tuhod ko, napaka brutal ng inabot nila, dalawang beses nang may nangyayaring krimen.

"AHHHHH!!!!! "

Nang malapit na ako sa lalagyan ng mga locker ay bigla ko na lang narinig na may sumigaw, tsaka ko lang napansin na si Maxine pala iyon, nasa harap sya ng mga locker at may hawak na malaki laking gift box.

Nabagsak nya yun, at ganoon na lang ang pag kagulat ko ng makita ang laman nito.

Ulo na puro bubog at dalawang mata.

Napaupo ako bigla dahil di ko na nakayanan ang nakita ko.

Halos bumaligtad ang sikmura ko dahil sa nasa harap ko.

Nakita ko si Maxine nakaupo na rin sa sahig at may hawak na papel, mas lalo syang umiyak at binato iyon palayo. Di sinasadya na napunta iyon sa harap ko.

It was just the beginning of my sweet revenge Maxine, i hope that you like my present hahaha!

-Serina

Nangilabot ako sa nabasa ko, naguguluhan na ako, s-si Ate ang may pakana ng lahat? paano? wala na sya di ba?

Biglang nag kumpulan ang mga studyante sa gawi namin, may iba na sumigaw din at may iba na di nakayanan ang nakita at bumaligtad ang sikmura.

Dumating narin ang mga pulis sa gawi namin, inalalayan nila si Maxine at pinaalis ang mga estudyante na nakapalibot roon.

Narinig ko na tumunog ang speaker ng school at biglang nag anounce.

"Attention to all students, you can leave the school now, the remaining periods were canceled, again attention to all students the remaining periods were canceled, you can all leave now."

Tumayo ako bigla at kinuha ang bag ko sa lapag sabay takbo, gusto ko ng umuwi, di ko na kakayanin ang mga nangyayari.

Paglabas ko ng building na iyon ay bumalandra sa akin ang tatlong police cars at isang ambulansya, lahat sila ay abala dahil sa nangyari.

"Sir wala po. "

Napatingin ako sa gawing kanan ko, may nakita akong dalawang pulis na nag uusap di kalayuan sa direksyon ko, di ko alam pero bigla akong napahinto para marinig sila.

"Wala? "-police 1

"Opo, nung tignan po namin yung CCTV ng school ay wala po kaming nakuha, kusa pong lumundag ang video, at ang nakuhanan na lang po ay ang nangyari pagkatapos ng krimen."-police 2

Tumakbo uli ako palabas ng school, pumara ako ng taxi dahil hindi ko na mahihintay si manong.

Pag kapara ko sa isang taxi ay agad akong pumasok sa loob at sinabi ang distinasyon ko.

Napahawak na lamang ako sa ulo ko dahil sa gulo ng mga pangyayari.

Ikaw nga ba ang may pakana nito Ate?

Itutuloy.......

Dont forget to vote and comment! thanks!

-MissJ

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon