Serenity'POV
"Arrgh..."
Napamulat ko ang mga mata ko at agad na napahawak sa ulo ko, a-ang sakit pa rin ng sugat na naroon na kagagawan ng bwisit na Maxine na yun at ng grupo nya.
Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong naka bandage ang sugat ko.
S-saglit nga lang, papaano ako napunta dito sa clinic? M-May nag dala sa akin dito? S-Sino naman?
Natigil ako sa pagiisip ng mga tanong ko ng marinig kong may naguusap mula sa labas ng clinic, nakasara ang pintuan kaya di ko na kikita kung sino sino man yun. Biglang kumirot na naman ang lintik na sugat ko kaya bigla akong napahiga sa kama ng wala sa oras.
A-Ang SAKIT! Kagabi pa ito huh?! Ba't ngayon ko lang nararamdaman yung kirot? Napuruhan ata ako. Bwisit naman!
Hintayin mo lang ako Maxine ka! Kapag ako nakabawi na sa sugat na binigay mo, mayayari ka sa akin! Aalamin ko ang sikreto mong gaga ka! Alam kong may koneksyon kayo ni Ate sa isa't isa, alam kong may mas mabigat kang rason kung bakit kating kati ka sa amin! Madami kang sikretong tinatago, at lahat ng yun ay aalamin ko!
Sa kaiisip ko ng kung ano ano, ay bigla ko na naman naramdaman ang kirot, hindi ko napigilang mapahawak sa ulo ko at bumaluktot sa pag kakahiga dahil sa sakit.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng clinic, at iniluwa nun sila Mama at Papa, kasama rin nila si Suzy. Lumapit sila agad sa akin, agad kong nakita ang lumluhang mga mata ni Mama. Matang puno ng awa at pag aalala.
"S-Serenity, Anak, a-are you alright? D-Does it hurt? Huwag kang mag alala at agad natin ipagagamot ang sugat mo...."
Tanong ni Mama habang hinihimas ang mukha ko. Bigla akong nakaramdam ng inis sa sarili ko, bakit ko sila pinag alala? Binigyan ko pa tuloy sila ng kunsumisyon.
Dahan dahan akong tumayo, inalalayan nila ako ni papa. Hindi man nagsasalita ay alam kong sobra ang pag aalala ni Papa, nakikita ko iyon sa mga mata niya.
"Dont force yourself, Serenity. Hayaan mo muna ang sarili mo na maka gain ng energy."
Narinig kong sabi ni Suzy mula sa likuran nila Mama at Papa, bakas na bakas rin sa mukha nya ang pag aalala.
"Sinong may gawa nito sa iyo? "
Seryoso at maotoridad na sabi ni Papa, nakikita ko sa mga mata nya ang galit. Napadiretso ako ng upo dahil sa tono ng pag sasalita ni Papa, madalang syang magkaganoon. Nag kakaganoon lamang sya tuwing seryoso ang pinaguusapan at sitwasyon. Ayaw kong lumaki pa ang gulo, sa pagitan lamang ito namin ni Maxine.
"Papa, mas mabuti siguro kung wag nyo na pong pakielaman itong sitwasyon. Mas lalo lang lalaki at magkakagulo. Ayaw ko po kayong madamay ni Mama at ayaw ko na po kayong bigyan pa ng sakit sa ulo. Ayos na po ko Papa, Mama."
Magalang kong sambit kay Papa. Napabuntong hininga sya, mabuti na lamang at naintindiham nila.
"Salamat Mama, Papa, at Suzy"
Nakangiti kong sabi sa kanila, kahit nararamdaman kong sumasakit ang ulo ko ay tiniis ko, kumilos lang ako ng normal.
"Huwag lang kami ang pasalamatan mo Anak, Pati si Jake. Nakita ka nila sa isang bodega ng school nyo na walang malay at si Jake ang nagbuhat sayo para mailagay ka sa clinic.
Napatigil ako sa sinabi ni Mama, hindi nga pala nila alam ang tungkol sa panglolokong ginawa ni Jake kay Ate, nilihim namin iyon ni Ate at sinabing LQ lang sila kila Mama at Papa. Tinanong ko kung bakit nya iyon ginawa, at ang dahilan nya ay ayaw nyang gawing masama sa paningin ng mga magulang namin si Jake, ang sabi nya ay may lihim daw itong hindi sinasabi sa kanya kaya iyon nagawa. Masakit isipin, pero alam kong umaasa si Ate sa pag mamahal ni Jake kahit nakita naming dalawa na niloko nga sya. Dalawang araw ang lumipas noon matapos ang break up nila ay namatay si Ate, namatay sya ng di nalalaman ang dahilan ni Jake, namatay syang may sakit at poot na namamahay sa puso nya, kaya ngayon ay muling nag balik ang Ate ko na uhaw sa dugo at para makuha ang inaasam na paghihiganti.
"Uuhm, Excuse me, maam and sir, kailangan nyo pong dalhin sa ospital ang anak nyo para mas magamot sya roon. "
Sabi ng Doktora ng clinic.
Maagap namang tumango sila Mama at Papa, kinausap pa sila ng Doktora pero hindi ko na sila pinakinggan, kasama nila si Suzy. Mukhang pinag uusapan nila yung nangyari sa akin.
Nilibot ko lang ang paligid ng clinic, malaki ang clinic ng school, mayroon itong limang kama sa loob.
Sa paglibot ko ng paningin ko, ay may napansin akong anino sa labas ng pinto, sa pagkakapwesto ng anino na iyon ay parang nakikinig sya dito sa loob. Ilang sandali pa ay lumakad na paalis ang nag mamay ari ng anino.
Bigla akong napatayo at di alintana sa akin ang sakit ng sugat ko, sinasabi ng pakiramdam ko na sundan yung taong iyon. Sinulyapan ko sila Mama na busy pa rin sa pakikipag usap sa Doktora, hindi na ako nag paalam sa kanila at agad lumabas ng clinic, alam kong hindi pa nakakalayo ang taong yun!
Pagkalabas ko ay may nakita akong lalake sa di kalayuan, nakatalikod sya at tinatahak ang hallway. Ilang hakbang pa ang ginawa ko para maabutan sya.
Malapit ko na sana syang maabutan ng biglang sumakit na naman ang ulo ko, agad akong napahawak doon. Napa upo ako sa sahig dahil bigla akong nanghina.
Kainis naman! Malapit ko na syang maabutan! Nasa likod na nya ako! Bwisit talaga!
"S-Serenity? Anong ginagawa mo dito? You should be resting!"
May taong biglang umakay sa akin patayo, hindi ko alam kung sino sya dahil nakayuko ako, pero pamilyar sa akin ang boses na iyon. Agad kong tinaas ang paningin ko para makita kung sino sya, alam kong sya ang naka masid sa clinic kanina.
"J-Jake? "
Gulat na gulat ko syang tinignan, h-hindi ko alam ang gagawin ko. Galit ako sa kanya pero maraming beses na nya akong nililigtas.
"Are you okay? Saglit dadalhin kita ulit kita sa loob ng cli---"
"Ano ba ang Sikreto mo Jake? "
Bigla kong naiusal sa kanya, gulat nya akong tinitigan. Hindi ko hahayaang hindi malaman ang dahilan at sikreto nya, namatay si Ate na hindi nya iyon na lalaman, hindi ko hahayaan ang sarili ko na mamatay rin ng hindi iyon na lalaman. Kung sabihin man ni Jake, ay alam kong maririnig ni Ate iyon kahit nasaan man sya. Kahit papaano ay nalaman nya ang dahilan ni Jake.
"Bakit mo sinaktan at niloko ang Ate ko? "
Tanong ko ulit sa kanya, muli ko na naman naramdaman ang galit sa kanya. Biglang nag init ang dugo ko ng muling maalala ang pag iyak ni Ate dahil sa kanya.
"Bakit nyo pinatay ang Ate ko, Jake? Bakit? "
Tanong ko uli sa kanya, napayuko sya sa tanong ko. Kung ganoon ay aminado nga sya.
"You know Serenity, you must rest. Tsaka ko na sasabihin sa iyo ang lahat kapag nakabawi ka na ng lakas. Kung sasabihin ko sa iyo ay siguradong mas sasakit pa ang ulo mo."
Muli syang tumingin sa akin habang nakangiti ng mapait, halatang pinilit lang niya.
Sasagot sana ulit ako sa kanya ng maaninawan ko sila Mama na lumabas sa Clinic at papalapit sa amin.
"Ano ka ba naman Serenity, dapat nag paalam ka muna sa amin nung lumabas ka. Jake maraming salamat ulit sa iyo, at tsaka sayo Suzy."
Salubong sa akin ni Papa, naka alalay pa rin sa akin si Jake, bago ako kumawala ay binulungan ko sya.
"Nabuhay ang Ate ko, Jake. Nabuhay sya ulit para pag higantihan ang mga may sala sa kanya. Mag iingat ka, di natin alam kung ikaw na ang susunod."
Pag kasabi ko noon ay bumitaw na ako sa pag kaka alalay nya at sumama kila Mama. Nginitian ko muli si Suzy bago kami nag lakad papalayo.
Bago kami tuluyang makalayo ay sinulyapan ko si Jake. Nakatulala sya.
Muli kong tinitigan ang dinadaanan ko at naglakad palabas
Itutuloy........
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...