Chapter10: Questions

9.6K 301 18
                                    





Suzy's POV

"G-Good morning. "

Bati ko kila mama na nasa hapag kainan na, grabe nasa state of shock pa rin ako dahil dun sa nangyari kanina sa kwarto ko, buti may lakas pa ako para pumasok.

"Buti Suzy tapos ka ng magbihis ang bagal mo. "

Sabi ni kuya Simon, napabagal lang naman ako dahil dun sa nangyari eh, nakakainis dahil paulit ulit yung gumugulo sa isip ko! Kailangan ko ba talaga makialam? Baka mamaya kung ano pang mangyari, pero paano naman si Serenity? Paano ako? Haist ano ba ang mas tama? Ang makialam ako at tulungan si Serenity o Huwag nalang para sa ikabubuti ko?  Kailangan ko mag desisyon. Ano sa dalawa?

"Suzy! Are you okay? "

Nagulat ako kay papa, napatingin ako sa kanya nang gulat.

"Kanina pa kita tinatawag anak, may problema ba? " -papa

"Ah.....eh....uhm...."

Ano ba yan! di ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Papa! Sa totoo lang ay hindi ako okay eh, ayaw ko lang silang pagalalahanin.

"Silence means yes. Bunso, ano ba problema mo? kagabi hindi ka naman ganyan eh."

Nagaalalang tanong ni kuya sa akin. Umupo na rin ako kasama sila sa hapag kainan, nagpakawala ako ng isang buntong hininga, saan ko ba sisimulan?

"Dahil na naman ba sa kanila Suzy? "

Sapol, kilala na talaga ako ni mama. Tumango ako sa kanila, dapat talaga hindi ko na lang pinahalata na di ako okay.

Ramdam kong natatakot at nalulungkot sila ayon sa aura nila, haist.

"Huwag po kayong mag alala, nawala na po sila, iniisip ko po kung tutulungan ko ba ang kaklase ko dahil nasa pahamak sya, delikado po sya sa mga yun."

Napatingin sila papa sa isat isa, tila ba nag aalangan ba sila dahil sa pwedeng mangyari, tulad ko.

" The decision belongs to you Suzy."

Sabi sa akin ni Mama.

"Di ka naman namin mapipigilan kung gusto mo syang tulungan pero ikaw rin ay pwedeng mapahamak."

Sabi naman ni Papa, iyon din ang nasaisip ko, paano na?

Bahala na.

--------------

Nandito ako ngayon sa room namin, nakadukmo ako sa arm chair, well iniisip pa rin yung bagay na yun, haist ang hirap mag desisyon. Kahit ano naman ang piliin ko may isa sa amin na pwedeng mapahamak.

Napaderetso ako ng upo ng maramdaman ko na naman ang presensya na yun. Dahan dahan akong tumungin sa may pintuan.

Tama ako, nasa likod na naman sya ni Serenity.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makarating siya sa upuan nya.

Naramdaman nya siguro na may nakatingin sa kanya kaya lumingon lingon sya sa paligid.

Napatingin sya sa direksyon ko, huli na naman.

Teka. Bakit? Bakit ganun ang mga mata nya? namumugto, halatang galing lang sya sa pag iyak.

Agad syang umiwas ng tingin sa akin. Alam nya na nag tataka ako kaya sya umiwas ng tingin. Bakit kaya sya umiyak?

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay napatingin ulit ako kay Serenity. Bigla kasing nawala ang espirito na nakabuntot sa kanya.

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon