Chapter25: Ate Serina

5.3K 186 4
                                    















3rd person's POV

"Matulog ka na, huwag mo ng kulitin si Ate Gabbie."

Wika ni Gabbie habang inaayos ang pagkakalagay ng kumot sa kapatid nitong si Grace, sinisigurong komportable ito sa pag tulog nito.

"Bakit ba sa akin ka pa iniwan nila mama! Gosh! Wag ka ng makulit huh! Just sleep na, okay? "

Maarteng saad niya sa kanyang kapatid.

"Ate, there's something under my bed."

Natatakot nitong sabi sa kanya. Mahigpit na nakayakap si Grace sa kanyang teddy bear, mababasa mo sa mga mata nito na siya ay takot na takot. Napairap na lamang si Gabbie sa sinabi nito, hindi nya pinansin ang sinabi ng kanyang kapatid, bagkus ay lumabas na siya sa kwarto nito at iniwan si Grace mag isa.

"Haist! Bakit ba kasi ako pa ang pinag iwanan nun! Nakakapagod! Makatulog na nga ng hindi na ko tuluyang mastress."


Sabi niya sa kanyang sarili at nagmamadaling pumunta sa kanyang kwarto. Agad siyang humiga sa kanyang kama pag pasok pa lamang nya sa kanyang kwarto. Inabot niya ang kanyang cellphone na nasa drawer malapit sa kanyang kama. Binuksan nya ito at agad na nakipag usap sa kanyang bagong kasintahan.






Si Gabbie ang klase ng tao na naimpluwensyahan ng barkada, palagi itong nakadikit sa mga ito. Ginagaya nya ang mga pamamaraan ng mga ito dahil sa paniniwalang ito lamang ang totoo nyang kaibigan. Na naging dahilan ng masamang pagbabago ng dalaga.













Naputol ang pag uusap nila ng kanyang kasintahan ng may marinig syang tatlong sunod sunod na door bell na nagmumula sa pintuan sa baba ng kanyang kwarto. Sa una ay di ito pinansin ni Gabbie ng biglang nagpaulit ulit ang pagtunog nito.  Parang bang atat na atat ng makapasok ang taong iyon.

Dahil nasa bakasyon ang kanilang katulong ay walang ibang pagpipilian si Gabbie kung di bumaba at pag buksan ito.

"Sige babe, tulog na you, sweet dreams! "

Sabi nya sa kabilang linya bago putulin ang tawag.

'Lintik naman! Sino ba ang epal na yun?! Gabing gabi na bibisita pa! Bwisit! "

Sigaw nya sa kanyang isipan. Padabog siyang bumaba mula sa kanyang kwarto upang pagbuksan ang taong nasa labas ng kanilang bahay.

Nang makarating na sa pintuan ay agad niya itong binuksan.

Pero, anong kilabot ang gumapang sa kanya ng pag bukas nya ng pinto ay isang malamig na hangin ang sumalubong kay Gabbie.

Humakbang palabas si Gabbie upang tignan kung may tao bang naroon.

"Shit! "

Gulat na bigkas niya ng matapilok sa isang bagay na nasa harap ng kanilang pintuan. Tinignan niya kung ano ito, nagtataka niyang tinitigan ang isang kahon na kasing laki lamang halos ng isang kahon ng sapatos.

Yumuko siya upang kunin ito, sinusuri kung ano iyon. Akmang bubuksan niya iyon ng mapahinto siya ng isang tinig.

"ATE GABBIE!!!!!! "

Sigaw ng kanyang kapatid na nagmumula sa kwarto nito. Napatakbo si Gabbie upang puntuhan ito. Kinakabahan dahil sa kung ano mang nangyari dito.

"GRACE! Are you okay?! "

Sabi niya pagbukas pa lamang ng pintuan ng kwarto nito.

Nakita nyang nakaupo ito habang akap akap ng mahigpit ang teddy bear nito. Nanginginig ito sa takot.

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon