Serenity's POV
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang insidente na nangyari kila Gabbie. Simula noon ay hindi na ako kinausap pa ni Detective Santos na pabor naman sa akin. Sumasakit na rin ang ulo ko sa kanya.
Bukas ay Lunes ulit. Paniguradong ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase at ka schoolmate ko. Masasama ang tingin, nilalayuan, at sasabihan ng mga kung ano anong pang babatikos. Ayaw ko talaga ang mga talas ng dila nila. Hindi ko naman sila pwedeng patulan dahil mas gugulo ang lahat. Pansamantala, ayos na ang ganito.
Inayos ko na ang pag kakasintas ng sapatos ko, simple lang ang suot ko. Isang black t-shirt lang at pantalon. Dadalawin ko ang puntod ng Ate ko, matagal na rin nung huli akong napunta doon. Ala syete pa lang ng umaga, pero mas maganda na ang maaga dahil sa init ng panahon.
Agad na akong lumabas sa kwarto ko dala ang isang simpleng shoulder bag at gitara ni Ate. Balak ko syang surpresahin.
Pag kababa ko ay nakita ko agad ang mama at papa ko. Seryoso silang nag uusap. Nasulyapan ko rin si Manang sa kusina, nginitian ko naman siya bilang pag bati na ginantihan naman nito ng isang ngiti rin.
Nag beso ako sa magulang ko bilang paalam na rin. Lalabas na sana ako ng biglang napahinto ako ng boses ni Mama.
"Serenity, pwede ba tayong mag usap? "
Sabi ni Mama. Humarap ako sa kanila at binigayan ng isang ngiti. Alam ko naman iyon. Tungkol lang naman iyon sa pag alis ulit nila dahil sa isang negosyo. Tungkol lang naman iyon sa pag iwan nila ulit sa akin mag isa.
"Mamaya na lang po, kailangan ko pa pong puntahan ang Ate ko."
Pag kasabi ko noon ay agad ko na silang tinalikuran. Nakakatampo lang dahil mawawala na naman sila.
Alam ko rin na may gusto silang ipagawa sa akin, na ayaw ko. Halata iyon sa pagtawag ni Mama sa akin at sa pag uusap nila ng masinsinan, dahil kung dahil iyon sa negosyo ay hindi nila iyon seseryosohin.
Ayaw ko lang malaman iyon... Pag hahandaan ko pa...
-----------------------------
Kaharap ko ngayon ang puntod niya. Agad kong binaba ang isang basket ng bulaklak sa gilid noon.
Umupo ako sa harap ng puntod ni Ate. Tinanggal ko sa bag ang gitara. Nakangiti ko siyang tinignan. Nagbalik na naman yung mga ala-ala namin noon. Ala alang hindi ko kakalimutan.
"Ate.... Natatandaan mo pa ba yung promise natin sa isat isa? Walang iwanan di ba? Alam kong hindi mo pa iyon nakakalimutan. Pangako, tutuparin ko iyon. Siguro naliligaw ka lang ng landas ngayon, kaya nagagawa mo ang mga ganoong bagay."
Kausap ko sa kanya. Pero isang hangin lang ang sumagot. Napatawa na lang ako na wala sa oras. Para akong baliw. Pero ayos lang, ang mahalaga ay alam ng Ate ko na hindi ko siya nakakalimutan.
"Nag aral akong mag gitara Ate, para sa iyo. Di ba nung birthday ko kinantahan mo rin ako? Syempre gusto ko patas tayo. "
Sinimulan ko ng patugtugin ang gitara. Nang marinig ko ang tono noon ay malinaw na namang bumalik sa isipan ko yung mga pinagsamahan namin ni Ate simula noong bata pa kami. Ang sarap talagang bumalik sa nakaraan.
Hindi nakakasawa.
"If i die young bury me in satin lay me down on a bed of roses, sink me in the river at dawn, send me away witha words of a love song....."
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...