Serenity's POV
Padabog kong inilagay ang bag ko sa upuan at pasalpak ako umupo doon.
Nakakainis!
Nakakabwisit!
Bakit ba ganito?! Kahit ilang beses ko ng naririnig yung mga pananalita nilang maaanghang, hindi pa rin ako masanay! Palagi na lang nila ipanagduduktukan sa akin na mamamatay tao ako! Pati locker ko pinatulan nila! Puro sulat!
"Serenity! Okay ka lang? Nakita ko yung ginawa nila sa locker mo! "
Nag aalalang lumapit sa akin si Suzy, buti na lang may malapit sa akin na pwede kong sandalan sa mga ganitong klase ng problema. Naalala ko tuloy sila mama. Wala na naman pala ulit sila.
Bigla na namang bumalik sa ala ala ko yung mga nangyari kahapon. Dahil din siguro doon kung bakit mainit ang ulo ko.
Flashback
Buong byahe ay tahimik lang kami, hindi man lang umiimik sila mama at papa. Ganoon na lang ba talaga ang pag uusapan namin? Ilang minuto pa ang lumipas ay naka uwi na rin kami. Agad silang bumaba kaya sumunod na rin ako. Dirediretso silang pumasok.
Kinakabahan ako. Parang napaka importante talaga ng bagay na yun kaya ganoon na lang kaseryoso sila Mama. Hindi ako sanay ng ganito. Para bang nagkaroon ng tensyon sa amin.
Kahit na kinakabahan, pinilit ko pa ring pagaanin ang loob ko at pumasok sa loob. Nabutan ko silang nakatayo sa sala at inaabangan ako.
Nakatingin sila ng seryoso sa akin, tinuro ni Papa yung sofa. Agad ko naman naintindihan ang sinasabi niya at umupo roon. Linalamig na ang mga palad ko dahil sa kaba. Madalang lang sila magkaganito kung sobrang mabigat ang pag uusapan. Madalang na madalang.
Nagpakawala ng buntong hininga si Papa para pagaanin ang kalooban niya.
"First of all, hindi namin nagustuhan ng Mama ang ikinilos mo kaninang umaga. Basta mo na lang kami tinalikuran Serenity. "
Saad ni Papa, nanatili lang akong tahimik. Alam ko na mali yun pero, nadala lang ako ng tampo ko sa kanila. Wala ng ibang dahilan.
"Sana di mo na ulit gawin ang bagay na iyon. "
Sabi ulit ni Papa, napatango na lang ako habang nakayuko bilang pag sagot.
"Ang pag uusapan natin dapat kanina ay tungkol sa paglipat mo ng school at titirahan habang wala kami."
Agad akong napatingala at tumingin sa kanila na may pag kagulat dahil sa sinabing iyon ni Papa. H-Hindi p-pwede. H-Hindi....
"Ano po?! "
Nasambit ko. Hindi at ayaw ko! Hindi pwede dahil hindi ko pa nakakaharap sila Maxine! Hindi ko pa alam ang buong detalye ng nangyari kay Ate! Hindi ko na mapipigilan pa ang balak ni Ate kung ganoon! At ganoon din si Maxine! Hindi porke't wala na ako ay titigilan na niya ako! Demonyo sya! Ayaw ko dahil hindi ko matatapos ang mga bagay na iyon kung wala ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat!
"Aware kami sa mga nangyayari sa iyo at sa school mo, anak. Ginagawa lang namin ito para sa iyo. Isa pa, puro masasamang memorya lang ang naroon sa lugar na iyon..."
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...