Serenity's POV
"Serenity, ija, may mga bisita ka."
Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin at dinaluhan ng tingin si Manang.
Dalawang araw na akong halos nakakulong sa kwarto ko. Nag iisip kung ano ba ang dapat kong gawin.
"Bababa po ako, mamaya-maya."
Tinanguan ako ni Manang at muling isinara ang pintuan ng kwarto ko. Umupo ako sa kama, hinagod ang buhok para kahit papaano ay maayos iyon.
Hindi ko sinasabi kahit kanino ang mga nalaman ko........
Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin. Ayaw ko ng pag-alalahin sila mama. Ayaw kong maramdaman nila ang nadarama ko ngayon.
Masama man, pero pumasok sa utak ko na maghiganti nitong mga nakaraang araw.
Gusto ko silang pahirapan at patay---
"ANO BA?! NASISIRAAN KA NA BA?!"
Wika ko sa sarili ko. Malakas kong pinaghahampas ang ulo ko ng sa ganoon ay mawala ang mga ideyang iyong sa isipan ko.
Tumayo ako sa kama at tinahak ang daan pababa.
Naalala ko, hindi pa nga pala ako nakakapag-transfer sa ibang school.
Dahil nga sa mga nangyari ay agad na isinara ang eskwelahan namin.Wala naman akong gana na pumasok sa ibang eskwelahan.
Nakakatamad ng pumasok.......
Tinatamad na akong makinig sa klase......
Tinatamad na ko sa lahat ng mga bagay.......
Tinatamad na kong mabuhay........
Ilang baitang na lang ay makakababa na ako. Pero nawala sa isip ko kung ano nga ba ang ginagawa ko. Nadulas ako dahil sa katangahan.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at inihanda ang sarili sa pag inda ng sakit sa oras ng pag subsob ko.
Pero imbis na ang malamig na sahig ang sumalo sa akin ay may isang bulto ng tao ang umalalay sa muntikan kong pagkahulog.
"Geez, Serenity! watch your steps."
Narinig kong sabi ng taong kinapitan ko. Nandilat ang mga mata ko dahil sa pamilyar na boses na iyon. Agad akong tumingala at tinignan kung sino iyon.
"J-J-Jake........."
Bulalas ko, tumingin ako sa may likuran niya, at doon ko nakita ang humahangos na mukha ni Suzy.
"B-Buhay k-kayo....."
Sabi ko.
"Serenity! Bakit ganyan ang itsura mo! Kumakain ka ba ng tama?"
Bulyaw ni Suzy sa akin.
Hindi ako makapagsalita, sobrang saya ko ng makita ulit sila......... Hindi naman siguro ako nanaginip?
"Ang a-akala k-ko.........."
Hindi ko na natapos pa ang dapat kong sabihin dahil inunahan na iyon ng mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...