Serenity's POV
"Yan ang napala mo nerdy! "
Naputol ang pag iisip ko tungkol kay Ate ng may marinig akong isang babae, para bang mayroon itong binubully?
Kasalukuyan akong nag lalakad ngayon dito sa hallway, nandito lang ako habang nagpapabalik balik ng lakad habang nag iisip, wala kasing masyadong estudyante na nasa labas ngayon dahil nasa kani kanilang klase. Hindi na ako pumasok sa subject namin ngayon. Para saan pa? Wala din namang papasok sa utak ko dahil may iba akong iniisip.
"P-please, a-ayaw ko na ng g-gulo."
May narinig naman akong ibang boses, garagal ito dahil parang maiiyak na ang taong may ari ng boses na iyon.
Kanina pa ako dito sa hallway, pero wala naman akong nakikitang ibang tao? Ganoon na ba ako kalalim mag isip kaya hindi ko na halos napapansin ang mga bagay sa paligid ko? Haist.
Dala ng kuryosidad ay di ko na iwasang puntahan kung saan nanggagaling ang boses na mga iyon. Pakiramdam ko kasi na dapat kong puntahan yon dahil may hindi magandang nangyayari.
Ilang lakad pa ang ginawa ko bago ko natunton kung saan nanggagaling ang mga boses na iyon.
Nasa harap ako ngayon ng mga locker, may nakita akong tatlong babae pinalilibutan ang isang babaeng naka ponytail at nakasalamin. Halatang sa kanya ang bag na nakasabog ang mga laman na gamit nito sa sahig, at malamang na kagagawan iyon ng tatlong babaeng nasa harap nya ngayon.
"Anong nangyayari dito? "
Tanong ko sa kanila. Agad namang nabaling ang atensyon nila sa akin. Hindi ko maiwasang hindi makielam sa mga ganitong klaseng eksena.
Nang lumingon silang apat sa akin, ay agad kong namukhaan na si Monic pala yung babaeng inaalipusta nila, isa sa mga kaklase ko. Sa lahat ng mga kaklase ko sila lang ni Suzy ang nakikilala ko halos. Parang kasing may kakaiba sa kanya.
(N/A Kung babalikan po natin yung chapter 10 ng Ate ay nandoon po si Monic, sya po yung kaklase nila Serenity na nagtanong sa kalagayan ni Jenny. Reminder lang po hehehe, sige po basa na ulit kayo.)
"Anong paki mo? Mind your own buisness missy."
Sabi ng isang babae na mukhang sya ang lider sa kanilang tatlo, tignan mo palang ang itsura nilang tatlo sasakit na agad ang mga mata mo. Parang silang mga prostitute.
"Bakit sya pinapakielaman nyo?"
Balik kong sumbat sa kanya.
Biglang nag iba ang atmosphere namin, bawat isa sa kanila ay parang halimaw na handang sumakmal."Sino ka ba?! Akala mo kung sino ka makaasta?! "
Sabi ng isa sa mga alipores nya na nasa bandang kaliwa nya. Tinignan ko sya ng masama dahil nahalata ko na agad sa tono ng pananalita nya na impakta rin sya katulad ng lider kuno nila.
"Serenity Dizon, Ano? May itatanong ka pa? "
Nakataas ang isang kilay ko ng sinagot ko ang katanungan nya.
Hindi ko alam pero bigla na lang silang napaurong sa akin, at ang kanilang kaninang mga mababangis na mukha ay napalitan ng takot.
Kunot noo ko silang tinignan, hinihintay ang susunod na magiging reaksyon nila.
Ano bang meron sa pangalan ko?
"S-sya y-yung k-k-killer d-diba? "
Nabigla ako sa sinabi ng isa nilang kasamahan na nasa gawing kanan ng lider nila. A-ako? Isang killer?
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...