Chapter30: His answer

4.9K 165 21
                                    



















Serenity's POV












"Bakit ka nga pala nandito?"

Tanong ko kay Jake, kahit paano ay mahinahon na ang pakiramdam ko. Nakaharap pa rin kami sa puntod ng Ate ko.

Tipid na ngiti niya lang akong sinagot. Ano ba ang ibig sabihin ng mga ngiti na iyon?

"Isnt it obvious? Nandito ako para dalawin ang Ate mo." Sagot niya.

"May halaga pa pala siya sa iyo? "
Mapait kong tanong sa kanya. Pagbaligtarin man niya ang mundo, nasaktan pa rin niya ang Ate ko, niloko pa rin niya siya.

"Oo naman, kahit kailan hindi siya nawalan ng halaga sa akin. Alam ko ang nasaisip mo Serenity, may parte man doon na tama, pero nangingibabaw pa rin ang mga maling pag-aakala mo."

Mahaba niyang saad sa akin. Sana nga totoo ang mga sinasabi niya kahit mahirap paniwalaan. Mahirap kasing ibalik ko ulit ang tiwala ko sa kaniya, baka sa huli pag sisihan ko pa na ibinalik ko pa iyon sa kanya. Lagi namang ganoon ang takbo ng buhay, kapag pagkakatiwalaan mo ang isang tao na akala mo na dapat ngang pagkatiwalaan ay sila ding gagawa ng paraan para masira iyon. Kaya minsan mahirap magtiwala... dahil natatakot tayong masira iyon. Bakit nga ba may mga ganoong klaseng tao?

"Ewan..."

Nasabi ko na lang na syang naging dahilan ng pagkunot ng noo niya. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Sa halip ay hinawi ko ang ilang dumi sa puntod ng Ate ko para mas lalong makita ang pangalan niyang naka ukit doon. Napangiti ako ng makitang maayos at maganda pa rin ang pagkakaukit ng pangalan niya.


"Alam mo naman siguro kung gaano ka kahalaga sa Ate ko di ba? Napaka saya niya tuwing kasama ka niya, mas nagkaroon ng kulay ang buhay niya dahil sa iyo."

Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Mga titig na para bang mga sibat na tatagos sa kanya sa talas. Napaiwas siya ng tingin sa akin at napayuko na lamang

"I know... I am just to dumb for hurting her ... "

Halata sa tono ng pananalita niya ang lungkot. Nawala ang mga matatalas na titig ko ng marinig ang mga katagang iyon. Sa tono pa lang ng pagsasalita niya, alam ko ng nagsasabi siya ng totoo. Pero ano ba talaga ang meron at nagawa niya makipag sabwatan sa Maxine na yun?


"Mahal na mahal ko ang Ate mo, Serenity. Siya lang ang minahal ko ng ganitong kaseryoso."

Sabi niya habang nakatitig sa pangalan ng Ate ko na nakaukit sa puntod nito.

"Dinagdagan mo nga ang kulay ng buhay niya, pero ikaw din naman ang naging dahilan para mawala ang lahat ng mga kulay na iyon."

Seryoso kong saad sa kanya na naging dahilan ng pagkuyom ng palad niya. Hindi iyon alintana sa akin. Halata namang bwisit na bwisit na siya sa sarili niya.

"Tatanungin kita ulit Jake, sana sa pagkakataong ito sagutin mo na para maintindihan naman kita."

Muli kong sabi sa kanya, humarap na ulit siya sa akin, nakita kong may namumuo ng mga luha sa mata niya na siya kong kinagulat. Pinipigilan niya lang ang pagbagsak ng mga iyon.

"Yeah, i think its already time to tell you the truth Serenity. "

Napaurong ang dila ko ng makita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Walang parte sa mga iyon ang nagsisinungaling.

Sa huli ay nanaig pa rin ang kagustuhan kong malaman ang katotohanan. Huminga ako ng malalim bago ulit magsalita.

"Sabihin mo, Ano ba talagang meron sa inyo ni Maxine? Bakit humantong ang lahat ng ito sa ganitong sitwasyon? "

Tanong ko sa kanya. Muli akong napatigil ng makita ang pagbagsak ng mga luha niya na agad din naman niyang pinunasan ng kamay niya. Pilit niyang pinapagaan ang kalooban niya, pilit niya pinipigilan ang paglabas ng emosyon niya.


Siguro sa pagkakataong ito ay maintidihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon.




"Nagsimula iyon noong araw na iyon...,"





Flashback

"Hey cuz! "

Maxine greet me with this kind of intro. I know she needs something, ganito naman siyang klaseng tao. Tsk.


"Anong kailangan mo? Hindi naman siguro ikaw napadaan lang sa bahay ko di ba? I know you well Maxine. "

I said in a rude way, she really needs to be lectured. Walang patutunguhan ang ganitong klaseng paguugali niya.

"Relax! I just need to ask you a little favor!"

Here it goes again.

"What? "
Kaswal kong sabi sa kanya. She'll
do anything just to make me do that evil favor of hers...


"You know Serina right? "

She said.

"Yeah, the President right? Serenity's sister."

I answered.

"Make her falls inlove with you, and then eventually break her damn heart! I know that its too fragile, so it is easy to break her heart. Brilliant, right? Hahahaha!"

My eyes widened when she said those words. Is she crazy? No, its wrong to rephrase it as a question. She's Crazy!

"What?! No way! Alam mo namang may gusto akong iba di ba?! "

Singhal ko sa kanya. She grin like a evil, i know she had a plan.

"Who? Oh! Sorry ive forgot! Its Serenity right? The one that you like? Hahaha! Bastard! That girl? Isa pang gaga iyon eh! Tulad lang ng Ate niya! "

Napailing na lang ako, God, please change my cousin's bipolar personality.

"Hindi mo ko matatanggihan cuz, meron akong alyas para umo oo ka. Dont make me draw my deck. "

She said in a demon voice. She's mocking me.

"Go a head, show your ace then."

I said in a bored tone. 

"Okay! If you dont insist to do it then.... Ill do anything just to destroy your image towards to Serenity's eyes. Malaman pa lang niya pinsan kita turn off na kagad siya sa iyo! Alam mo naman na mag mortal enemy din kami noon di ba? Besides! Ayaw ko din naman siya para sa iyo. Hindi na nga kayo magkakatuluyan, magiging demonyo din ang tingin sa iyo ng babaeng yun, hahahaha!! "

Blank

That was me. Nakuyom ko na lang ang palad ko dahil sa mga sinabi niya. I had no choice but to do it. I like Serenity, but Maxine was the obstacle for us. I dont want her to see me as a demon like my  cuz.

I like her, i will do anything for her .....



End of flashback.



Nandilat ang mga mata ko sa narinig kong pahayag niya sa akin. Kung ganoon, iyon ang totoo nangyari?!

"It was the past Serenity, the past..... Things changes as the time flows.. Hindi pa iyon ang lahat Serenity, aamin ako para mapatunayan kong malinis ang intensyon ko sa Ate mo, na mahal ko siya..."

Sabi niya.


Kung ganoon....






Sa ganoong paraan nag simula ang lahat?











Itutuloy.....



A/N

Boom! Alam na! Haha!

14 chapters to go before the ending!

Pwede pa yung mabago.

Thanks!

:)

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon