Chapter18: Save her

7.1K 251 23
                                    





Suzy's POV

"Nasaan na naman ba ako? "

Nakakainis! Bakit ba kasi everytime na natutulog ako, puro bangungot na lang ang nakikita ko.Haist, nakakasawa din kaya.

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako. Ang dilim na naman.

"W-What?"

B-Bakit nasa school ako? Since nung nag transfer ako ay wala akong napanaginipan tungkol sa school namin.

"S-Sorry.....S-Sorry.....S-Sorry"

S-Sino kaya yun? Iyak sya ng iyak habang humihingi ng tawad.

Dahil sa curious akong tao ay sunundan ko ang boses nung babaeng umiiyak. Well, halata namang babae sya sa boses pa lang.

Napahinto ako sa tapat ng bodega ng school, naka lock ang pinto mula sa labas. Ano kayang meron? Parang dito ko naririnig yung babae.

Hahawakan ko sana ang lock pero tumagos lang ang kamay ko.

Teka, nananaginip ba ako? O humiwalay nanaman ang kaluluwa ko sa katawan ko? Urrgh! Hanggang kailan bang ganito ang way ng buhay ko?

Sabi nila talento ang pagkakaroon ng mga ganitong kakayahan, isa daw itong regalo. Pero para sa akin isang nightmare ang ganitong kakayahan.

"S-Serenity.....S-Sorry.."

Napatigil ako sa pag iisip ng mga bagay bagay ng marinig ko ang pangalan ni Serenity. So...that means, na nasa loob sya ng bodega? Baka naman hindi. Ang gulo ko! I will come inside na lang para malaman ko.

Tumagos ako sa pinto dahil nga kaluluwa lang ako ngayon.

Ano kayang mer--

"A-Anong? "

B-Bakit sya nandito? Bakit nandito si S-Serenity?

Nakaunan sya sa lap nung babaeng nakauniform ng school namin. Mahimbing na natutulog si Serenity samantalang yung babae ay umiiyak. Tumutulo ang luha nya sa mukha ni Serenity.

Gumalaw ang ulo nya at lumingon sa kin.

W-Wait, bakit parang dalawang Serenity ang nakikita ko? She looks like Serenity! P-Parang silang kamb--

N-Nakasuot sya ng ribbon clip.

So, She's...

"S-Serina."

Nakatingin pa rin sya sa akin habang umiiyak pa rin, tingin na puno ng lungkot.

Tinuon nya uli ang atensyon nya kay Serenity, same scenario, umiiyak sya habang paulit ulit humuhungi ng forgiveness.

K-Kung humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko, actual itong nangyayari. Bakit nanadito si Serenity?

Sa paglibot ng paningin ko ay napansin kong may tali sa tabi nangmagkapatid. Ano bang---

Ramdam kong may pwersang humihila sa kin, sign na kailangan ko ng bumalik sa katawan ko.

Habang kinukuha ako ng pwersa ay, nakita ko kung paanong unting unti nagbabago ang itsura ni Serina. Bumabalik sya sa dati nyang appearance.

Mapuputlang balat, mga nanlilisik at itim na mga mata, tumutulong dugo mula sa malalim na sugat sa left wrist nya.

A-Ano bang nangyayari?







Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon