3rd Person's POV
May pagmamadaling pinuntahan ni Suzy ang gate upang makalabas at makahingi ng tulong. Inis na inis siya dahil ayaw gumana ng kanyang phone dahil nabasa ito ng malakas na ulan.
Bago pa man dumampi ang kamay niya upang buksan ang gate ay nahagip niya ang mga bulto ng tao.
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang eskwelahan.
Na agad niyang pinagsisihan.
Kitang kita niya ang kanyang mga kaklaseng walang awang pinaslang ng Ate ng kanyang kaibigan. Animo nanghihingi ang mga ito ng tulong upang makalabas sa hawlang ginawa ni Serina sa kanila.
Nanghihilakbot man ay pinilit niyang patapangin ang loob. Dama niya na may matutulong ang mga ito.
Sabay sabay umangat ang mga kamay ng mga ito at itinuro ang isang gusali.
Kunot noo niyang tinignan iyon. Nagtataka kung anong mayroon doon.
May pagdadalawang isip man ay mas pinili niyang pagkatiwalaan ang mga ito.
Nag iba ang kanyang direksyon at patungo iyon sa gusaling minumungkahi ng mga kaiskwela.
Maging sa loob nito ay marami siyang nakikitang mga kaluluwa. May itinuturo itong daan na kanyang sinusunod. Naghahangad na may matagpuan sa dulo niyon.
At sa pagsunod niya sa mga direksiyong ibinibigay, ngayon ay kaharap na niya ang isang pintuan.
Pintuan ng silid ng mga guro.
Walang pag-aalinlangang binuksan niya ang pintuan.
At sa pagbukas niya noon ay agad niyang nakita ang isang kagimbagimbal na tanawin.
Lumapit siya upang maaninaw itong mabuti.
At hindi siya nagkakamaling iyon nga iyon.
Dahil sa taimtim na pagsusuri ay di na niya namalayan pang unti unting sumasara ang pintuan........
___________________
"Behave ka muna, huh?"
Baliw na turan kay Jake na ngayon ay nakatali na rin sa isang silya. Hindi niya alam kung anong klase ng enerhiya ang pumasok sa katawan niya at hindi niya iyon magalaw. Pagtangis naman ni Monic ang maririnig kasabay ng mga kulog, habang nakatulala lamang si Maxine.
"What? Boring na ba?"
Tiningala ito ni Serina at tinignan ng may pang uuyam si Maxine.
"Yup! Kanina pa! You know what, Serina. Try mo rin magmadali. Madaliin mo na ang pag patay sa akin!"
"Ehh, sa kapatid mo? Mamadaliin ko rin ba?"
Salitang binitawan niya na siyang nagpatahimik kay Maxine. Tumawa ng malakas si Serina dahil sa nakitang ekspresyon nito. Hindi niya lubos akalaing nag aalala rin pala ang taong tulad nito sa iba.
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...