Serenity's POV
Nakahiga ako sa damuhan dito sa may sementeryo, masaya akong nakatingin sa langit, ang ganda ng mga ulap dahil may iba't iba itong hugis. Hindi ito nakakasawang panoorin sa unti unti nitong paggalaw.
Para bang naging tamabayan ko na ang lugar na ito ng dahil sa ganda ng paligid, kahit ba puro puntod ang nandito.
Maganda pa rin. Payapa kasing tignan.
Nakakatuwa. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang kapayapaan.
Para bang walang nagdaang problema ng dahil sa gaan ng pakiramdam? Ang saya!
"Uyy.. Para kang baliw diyan."
Sabi niya. Tuminitigan ko siya at nginitian bilang pagbati. Humiga siya sa tabi ko para makigaya sa ginagawa kong panonood sa mga ulap.
Tinitigan ko siya. Ang saya rin niya, siguro ramdam din niya ang mapayapang kapaligiran dito. Nakakarelax ng sobra.
"Parang kahapon lang noh? Akala ko wala ng katapusan iyon eh."
Sabi niya habang nakatitig sa langit. Dinako ko rin ang tingin doon. Tama siya, ganoon din ang naramdaman ko noong mga panahong iyon. Akala ko nga rin na hindi namatatapos pa iyon. Pero nalagpasan namin.
"Salamat, Serenity."
Wika niya, mas lumawak ang ngiti ko ng marinig iyon. Nadinig ko siyang tumawa kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Haha! Ang panget mo talaga kahit kailan!"
Pang aalaska niya sa akin. Namiss ko ang pagtawag niyang pangit sa akin, kahit hindi naman totoo. Haha!"FYI lang ah, magkamukha po tayo! Kambal nga ang akala nila diba?"
Nakataas ang kilay na baling ko sa kanya.
" Naniwala ka naman? Malabo lang mga mata nila! Saang banda kitang kamukha?"
Sabi niya kaya siniko ko siya ng bahagya. Mas lalo siyang natawa sa ginawa ko.
Sobra kong namiss ang mga moment namin na ganito.
Masaya ako at kasama ko ulit siya...
Narinig ko ang maingay na pagbukas ng gate ng sementeryo. Doon ko nakita ang nakangiting Suzy at Jake, tumayo kaming dalawa ni Ate at sinalubong sila.
Muling nagbalik ang mga ala-ala ko noong mga araw na iyon. Lalo na noong nakaeaang linggo kung kailan natuldukan ang lahat.
Kung kailaan natapos ang lahat.
__________
3rd person's POV
Lahat ay nakatingin kay Serenity. Hinihintay nilang ibunyag ang naisip nitong paraan. Huminga ito ng malalim.
Huminto na ang mga luha nito at matamis ng nakangiti.
"Ang paraan na naiisip ko ay ang makakabuti sa lahat. Hindi mo kailangang mamatay Jake. May naisip ako."
Tumayo si Serenity at inabot ang nail gun.
"H-hindi m-maganda iyan!"
Bulyaw ni Suzy ng dahil sa takot. Tinutok ni Serenity ito sa sarili, napatayo silang lahat at nag-aalalang tinignan ito.
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...