DEDICATED TO
geraldineroxas25
:)
Third Person'sPOV
"H-Hindi."
Nagulat si Serenity ng makita nyang nasa loob sya ng girls cr. Pa ikot ikot ang tingin nya, paulit ulit nyang iniisip kung paano ba sya na punta sa lugar na iyon.
"A-Ang dumi ko.... Ang dumi dumi ko! "
Napatingin si Serenity sa taong sumigaw na iyon, nagulat sya ng makita nyang ito ang Ate nya. Napakarumi nito, puro galos ang katawan, at lukot na lukot ang suot nitong uniporme.
Nakasalampak ito sa sahig ng CR
"A-Ate? "
Tawag nya rito ngunit patuloy pa rin ito sa pag iyak na tila ba walang narinig, nilapitan nya ito at sinubukan hawakan sa balikat pero laking gulat nya ng tumagos lamang ang kamay nya.
Muli nya itong tinitigan.
Napakalungkot ng kanyang Ate, iyak ito ng iyak. Naaawa si Serenity sa kalagayan ng kanyang Ate, iniisip nya na ito ay isang panaginip lamang ngunit hindi nya mapigilan na maluha rin dahil sa nakikita nya.
Sinubukan nya itong yakapin pero tumagos lamang sya, mas lalo syang napaiyak dahil sa sakit at awa.
Inikot ni Serina ang kanyang ulo na tila ba may hinahanap, napako ang tingin nito sa kabilang dulo ng cr.
Tinignan lamang sya ni Serenity at hinihintay ang susunod nitong gagawin.
Gumapang papunta sa kabilang dulo ng cr si Serina kung saan naroon ang nakakalat nyang mga gamit.
Hinalungkat nya ang kanyang bag na tila ba may hinahanap syang importanteng bagay.
Napasinghap si Serenity ng makita nyang isang cutter pala ang hinahanap ng kanyang Ate sa bag nito.
Sumandal si Serina sa dingding ng cr na tila bang pagod na pagod.
Nilabas nya ang talim ng cutter na hawak nya at akmang hihiwain ang kanyang pulso.Pinipigilan sya ni Serenity ngunit kahit anong gawin nya ay tumatagos lamang sya. Wala syang ibang magawa kung hindi umiyak na lamang.
"P-Pagod na ako..... A-Ayoko n-na
S-Suko n-na ko."Hiniwa ni Serina ang kanyang pulso, ng paulit ulit. Habang si Serenity naman ay tila ba parang mababaliw na sa kanyang nakikita.
Ipinikit na lamang nya ang kanyang mga mata dahil hindi nya na makaya ang kanyang nakikita.
Nanatili lang nakapikit si Serenity. Biglang huminto ang pag iyak na kanyang Ate, di na nya na ito naririnig. Binuksan nya ang kanyang mga mata upang malaman kung ano ang nangyari.
Gulat na gulat si Serenity sa kanyang nakita.
Nasa harap na sya ng isang pintong hindi nya alam. Pilit nyang iniisip kung ano ba ang nangyayari.
Kusang bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang kwarto nila ng kanyang Ate. Nakita nyang nasa study table ang kanyang Ate, may binabalot itong isang regalo. Gusto man nyang pumasok ay hindi nya magawa dahil hindi sya makagalaw, tinitigan na lamang nya ito.
Nang natapos na si Serina sa pagbabalot ay nilagay nya ito sa ilalim ng kanyang kama, Nakangiti ito at sabik ng ibigay ang regalo.
Tinignan lang ni Serenity ang mga ngiti na iyon, ngiting kinauulilaan niya.
Bigla syang nakaramdam ng pag kahilo, unti unti nya ng pinikit ang kanyang mga mata at bumagsak sa malamig na sahig.
Serenity's POV
"Ugggh."
Bumangon ako sa kamang kinahihigaan ko habang nakahawak sa ulo ko.
A-Ano y-yun? Isang p-panaginip?
"Are you alright? "
Napatingin ako sa taong nag salita na iyon. Ang nurse ng school namin.
Napagtanto ko na nasa clinic pala ako, teka, paano ako napunta dito?
"Dinala ka ni Jake."
Muli akong napatingin sa nurse.
Si Jake?
"A-Ayos na po ako, sige po."
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko at pagkatapos ay lumabas na ako, narinig kong parang may sinabi yung nurse pero hindi ko ito masyadong narinig.
Ano ba ang nangyari?
Ang natatandaan ko lang ay nasa likod ako ng school......At yung nasa panaginip ko, p-parang totoo.
May pinahihiwatig kaya iyon?
"Ouch. "
Haist kainis sa sobrang gulo ng utak ko kung sino sino na nabubunggo ko.
Tinignan ko kung sino yung nabunggo ko.
Tss, sya pa. Bakit ba lagi ko syang nakikita?!
"Serina?"
Gulat na sabi ni Jake, nakatingin sya sa akin, sa reaksyon ng mukha nya parang nakakita sya ng multo.
"Move."
Sabi ko at tinulak sya, tss, ang hilig nyang mangharang.
Nagulat ako ng bigla nyang hinablot ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. Bwisit! Ano bang problema nya?! Bakit ayaw nyang mawala sa buhay ko?!
"Serenity, A-Akala ko ikaw ang Ate mo. Pasensya na."
Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak nya kaya nabitawan nya ako.
"Bakit ba lagi ka na lang sumusulpot sa buhay ko?! Ilang beses ko na bang sinabi na mawala ka na sa buhay ko?! "
Nailabas ko na naman ang galit ko, nakakairita sya.... Ang kapal din ng mukha nya na magpakita pa sa akin matapos nyang lokohin ang Ate ko, kahit kailan di ko sya mapapatawad.
Nakatingin lang sya sa akin, bakas sa mukha nya ang lungkot. Bagay lang sa kanya iyon.
"Yung ribbon ng Ate mo, suot mo yan ngayon. Kamukhang kamukha mo si Serina, alam ko na di mo paniniwalan ang mga sinasabi ko dahil sa nangyari.... Pero di ako susuko na maging okay tayo, na maging magkaibigan ulit tayo. Kapag dumating na yung araw na iyon tsaka ko ipapaliwanag sa iyo ang lahat, para malaman mo talaga ang katotohanan. Sige bye."
Pagkatapos noon ay tumalikod na sya at naglakad palayo.
Katotohanan? Malinaw naman na nangloko sya, at iyon ang katotohan.
Kinapa ko ang ribbon clip na nasa ulo ko, ng makapa ko ito ay agad ko itong tinanggal. Ewan pero parang natatakot na akong isuot ito.
Teka, may konekta din ba ang clip na ito kay Ate? Naalala ko pa nang sinuot ko ito ay bigla akong nawalan ng malay at nagsimula ang bangungot na iyon.
Magagamit ko kaya ito?
Nang mapansin ko na ako na lang pala ang tao sa hallway ay agad akong napatingin sa wrist watch ko.
Malapit na pala mag five ng hapon, agad kong pinamulsa ang ribbon ni Ate. Malamang nag hihintay na sa akin si Manong sa labas.
Nagsimula na akong mag lakad at tinahak ang daan palabas ng campus.
Itutuloy.......
Waaaaaaaaaahhhhh! Super duper sorry sa sobrang late na update! Naiistress kasi ako sa school kaya di ako maka update huhuhu :(
Pero sa kabila nun maraming salamat sa walang sawang pag hihintay lalong lalo na sa mga nag vovote at comment!
Love you guys!!!!
-MissJ_35
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...