3rd person's POV
"Ma'am Maxine, may nagpapabigay po sa inyo nito."
Nakairap siyang hinarap ito, napatingin si Maxine sa hawak ng katulong. Naiinis siya dahil naistorbo ang pamamahinga niya at ang kanyang pagmumuni muni.
Isang sobre ang hawak nito.
Sa di niya malamang dahilan ay bigla na lamang kumabog ang kanyang puso. Bigla siyang kinabahan ng wala sa oras. Kakaiba ito sa kanya.
"K-kanino galing?"
Tanong niya.
"H-hindi ko po alam ma'am, nakita ko lang po iyan sa may gate. Nakapangalan po kasi sa i--"
"Kinuha mo na di alam kung kanino nanggaling?! Pinagloloko mo ba ako?!"
"M-M-Ma'am... K-Ka---"
"Umalis ka na nga sa harapan ko! Nakakabwisit ka!"
Nanunubig ang mga matang sinunod siya ng kanyang kasambahay. Halos malukot ang sobreng natanggap dahil sa gigil.
Alam niya kung para saan iyon.
Hindi siya nagkakamali.
"Alam mo Serina.... Hindi mo ako matatakot sa ganito! Magbabayad ka sa ginawa mo!"
Galit na galit niyang binuksan ang sobre na halos mahati sa dalawa dahil sa gigil na nararamdaman.
Kinuha niya ang nasa loob noon. Isang sulat para sa kanya.
Binuklat niya iyon na walang pag-aalinlangan.
Hindi siya nakakaramdam ng takot.
Galit ang namamayani sa kanya dahil sa mga ala-alang gumugulo sa kanya tuwing na aalala ang magkapatid na sumira sa kanya.
Dear Max,
Unang bahaging nabasa niya. Tanging malalapit lamang sa kanya ang tumatawag sa kanya sa ganoong paraan.
Alam mo na siguro kung para saan ito. Sa tagal ng pinagsamahan natin, malamang kabisado mo na ang kilos ko.
Hindi ka naman nakalimot, di ba? Malamang naaalala mo pa ang naging nakaraan natin?
Maganda na sana ang lahat kung hindi ka nagpalamon sa kahayupan mo.
Naging mabuti ako sa iyo. Pero anong ginanti mo?
Huwag mong asahan na magiging madali ang kamatayan mo....
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...