Chapter14: Birthday Gift

8.1K 280 28
                                    


DEDICATED TO:

MissteriouSecretive8




Serenity's POV






"Im home."



Pagkapasok ko sa bahay namin ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ko.


"Serenity anak, gusto mo ng meryenda? "  tanong sa akin ni mama na nasa kusina.

Napatigil ako sa pag akyat ng marinig ko ang boses ni mama. Seline Dizon ang full name ni Mama at Anthony Dizon naman ang kay papa. Buti na lang at naisipan nila mama na mamahinga muna dito sa bahay pagkatapos ng business trip nila.


"Wag na po ma! Mamaya na lang po ako kakain pag dinner na." Sagot ko kay Mama.

"Okay! "


Pumasok ako sa kwarto ko, agad kong binaba ang bag ko at humiga sa kama. Nakakapagod ang araw na toh.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko, haist parang may mali.

Kailangan kong pigilan si Ate sa ginagawa nya, dinudumihan nya ang kamay nya, bakit kailangan nyang pumatay? Pwede namang hulihin na lang yung mga taong may kasalanan sa kanya pero pinapatay nya. Ganoon na lang siguro ang galit nya. Di ko parin lubos maisip na Si Ate ay gagawa ng ganoong bagay.


Pero paano sya pumapatay? Espiritu na lamang sya, posible bang ang isang multo na tulad nya ay makapatay?

Gumagamit kaya sya ng katawan ng iba?




Napailing ako, manggagamit ng katawan ng iba si Ate? Parang ang imposible naman, kung ginawa man nya iyon............

Hindi sya ang Ate ko.




Sa pagpatay pa lang ay hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ni Ate, lalo pa kaya ang gamitin ang katawan ng iba para makapatay sya?


Unti unti ko naman ng natatanggap na si Ate ang pumapatay dahil hand written nya yung nasa letter. Alam kong sulat kamay nya yun kaya may ibidensya akong sya nga ang may gawa ng lahat na ito.


At saka yung bangungot kanin---

Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa kama ng maalala ko yung bangungot na iyon. Totoo kaya iyon?


Sa panaginip ko ay may nilagay na regalo si Ate sa ilalim ng kama. Magkasama lang kami sa iisang kama ni Ate kaya ito iyon.


Agad kong sinilip ang ilalim ng kama, ang alikabok, medyo maraming gamit ang nasa ilalim dahil dito namin nilalagay ni Ate ang iba naming gamit. Simula ng mawala si Ate ay hindi ko na ito naasikaso.


Naghalungkat lang ako ng naghalungkat, medyo marumi na din ako dahil kumakapit sa akin ang mga alikabok.

Tatayo na sana ulit ako ng may naaninaw akong box sa may dulo ng kama, agad ko itong kinuha.

Ito nga yung nasa panaginip ko! Naaalala ko pa na itong ito ang gift wrap noon! Kung ganoon ay totoo ang nasa bangungot na iyon?!



Nang makuha ko ito ay agad ko itong pinunasan ng panyo ko dahil sa dami ng alikabok.

To : Serenity
Fr : Ate Serina


Happy B-day panget!!!!


Nabasa ko ito sa maliit na card na nakadikit sa box, agad tumulo ang mga luha ko ng mabasa ito, lagi akong tinatawag na panget ni Ate, namimiss ko na ang boses nya.


Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon