Chapter4: Her presence

10.3K 457 21
                                    




Serenity's POV

'Kriiiinnnggg!!!!!!! '

Tsk, nakakainis na alarm clock. Bumangon agad ako at pinatay ito, pakiramdam ko pagod pa din ako kainis parang hindi din ako natulog.

Pag katayo ko ay hinanap ko kaagad ang suklay ko, saan kaya yun? Tumingin ako sa may drawer na katabi nang kama, tsk nandun lang pala.

Lumapit ako dun sa drawer, kukunin ko na sana ang suklay nang mapansin ko na naman ang ribbon na clip ni ate sa tabi nang suklay. Wala akong natatandaan na kinuha ko ito sa loob nang drawer. May nakikialam kaya nang gamit dito? Kahapon din ganito din, nasa labas ang ribbon ni ate. Mabuti pa ay sabihan ko na lang si manang.

Pag kasuklay ko ay naligo na agad ako. Dadalawin ko pa ulit si ate.

------------------------

Naglalakad na ako ngayon papunta sa puntod ni ate, nasabihan ko na si manang tungkol sa gamit ko, sigurado ako na may nangingialam nang gamit ko pero sabi ni manang wala naman daw dahil sya lang daw ang pumapasok sa kwarto ko para mag linis. Wala ba talaga?

Pag kadating ko sa puntod nya ay umupo na ako sa damo. Wala na dito ang lunch box na nilagay ko kahapon dito, malamang may kumuha na.

"Pasensya na ate wala akong dalang pagkain para sayo, ito bulaklak na lang hehehe."

Pag kalagay ko nang bulaklak sa tabi nang puntod nya ay nakaramdam ako nang lamig. Weird, hindi naman humangin.

Naramdaman ko din na parang may nakatingin sa akin kaya lumingon ako kaagad kung saan saan.

Pag katingin ko sa likuran ko ay may nakita akong babae na naka school uniform nang tulad nang sa akin na tumakbo pa layo sa pwesto ko.

Parang kilala ko sya, o kilala ko talaga sya? Dahil curious ako ay tumayo agad ako at hinabol sya.

Naabutan ko sya na lumabas sa gate nang sementeryo, patuloy ko pa rin syang hinabol, di ko na nga alam kung nasaan ako dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya.

"Hoy! teka! "

Sigaw ko sa kanya kaya huminto
sya sa pagtakbo pero nakatalikod pa rin sya sa akin, Sa likod palang ay napakapamilyar nya.

Hinabol ko ang hininga ko dahil halos kanina ko pa sya hinahabol.

Parang binuhusan ako nang isang malamig na tubig at parang napako sa kinatatayuan ko nang humarap sya sa akin, sobra akong nagulat dahil sya pala ang kanina ko pa hinahabol. P-pero p-papaano?

"A-a-ate?"

Isang napaka lungkot na tingin ang binigay nya sa akin, napaka putla nya.

"P-p-paano? "

Wala syang imik na nakatingin pa rin sa akin. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

Nang nakita ko ang left wrist nya ay napatulala ako sa sobrang gulat.

Madaming dugo ang umaagos mula roon, tumutulo na nga ito sa kalsada.

Napatingin ako sa right hand nya, may hawak syang sobre, o parang sulat?

Tumingin ako ulit sa mukha nya. Napaatras ako nang apat na hakbang dahil sa nagbago ang itsura nya kumpara kanina na maputla lang.

Puro itim ang kulay nang mata nya, umiiyak sya pero kulay itim ang luha nya.

Muli akong napa atras dahil papalapit sya sa akin.
N-natatakot ako sa kanya d-dahil sa nag iba ang itsura nya at sa presensya nya, para bang nag iba ang ihip nang hangin dahil sa presensya nya na iyon.

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon