Chapter3: Ella

11.1K 565 67
                                    




Serenity's POV

Hapon na ngayon, oo tapos na ang oras ko sa detention room na yun, pumunta pa nga ang principal doon at pinangaralan ako nang mga dalawang oras. Hindi ko naman pinakinggan ang mga sinabi nya.

Nasa harapan ako ngayon nang gate at naghihintay kay manong Jose, ang tagal ni manong, ako na lang halos ang tao dito. Sarado na nga ang school eh, tinignan ko ang wrist watch ko. 10 minutes na lang at 6 na. Haist ang tagal.

"Serenity "

Nagulat ako nang may tumawag sa akin, isang malamig na boses ang narinig ko. Tumingin ako kung saan saan para makita kung sino ang tumawag sa akin, ngunit bigo ako, di ko nakita kung sino ang tumawag sa akin. Guni guni ko lang siguro iyon.

"Serenity."

Iyon na naman sigurado ako, hindi ito guni guni. Isang malamig na tinig na naman ang narinig ko na tumawag sa pangalan ko.

Hindi pa nga pala ako tumitingin sa loob nang school. Tumalikod ako at tumingin sa loob, haharap na sana ulit ako nang may maaninag ako na isang tao na nasa Building no.3 ang building kung saan nagpakamatay si Ate .

Nasa isa sa mga bintana nang fourth floor ang isang babae, hindi ko sya masyadong maaninaw dahil malayo layo ang building na iyon sa may gate.

Kumaway sya sa akin kaya kumaway din ako.

teka...

Ang pagkakarinig ko nang boses na yun ay malapit lang, kaya paanong sya ang tumawag sa akin, ang layo nang distansya nya?

Tumingin ako ulit sa kanya. Tinignan ko syang mabuti, nagulat ako nang may mapansin ako sa kanya.

Ribbon clip.

Di ako pwedeng mag kamali kay ate ang ribbon na iyon, tinignan ko sya ulit nang mabuti.

"Ate!? "

Parang napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko sya, paano? paanong nandito sya ngayon!?

Tumulo na lang nang kusa ang luha ko, ewan pero may parte sa akin na natuwa ako dahil sa nakita ko sya ulit.

Kumaway sya ulit sa akin, pero may napansin ako, may hawak sya sa kamay nya habang kumakaway, kulay puti ito, panyo siguro o papel?

"Maam Serenity"

Napaharap ako nang may tumawag sa akin. si manong Jose pala, di ko namalayan na nandito na si manong.

"Umiiyak ka? "

Di ko pinansin si manong, tumingin ulit ako kung nasaan si Ate pero wala na sya roon.

"Serenity ija may problema ba? "

Pinunasan ko na ang mga luha ko sa mag kabilang pisngi at hinarap si Manong.

"Wala to manong, naalala ko lang si ate. "

Pag kasabi ko noon ay pumasok na ako sa loob nang kotse sumunod namang pumasok si Manong Jose.

"Ija, wag kang masyadong malungkot sa pagkawala nya, nalulungkot din yun kung nasaan man sya dahil umiiyak ka nang dahil sa kanya."

Napaisip ako sa sinabi ni manong, tama ang sinabi nya. Kaysa mag mukmok ako kay ate ay dapat na mag move on nalang ako sa pagkawala nya dahil hindi naman na sya babalik.

Dadating din naman ang araw na makakasama ko ulit sya.

"Tama po kayo, salamat po manong sa payo nyo. "

"Walang anuman ija, alam mo namang parang anak ko na din kayo nang ate mo."

Napangiti ako sa sinabi ni manong, May pamilya ako, dapat di ko sila pinagaalala masyado sa pagiging malungkot ko.

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon