Chapter41: Scribbles

3.9K 135 35
                                    








Serenity's POV






"Kahit na anong mangyari ay huwag kayong lalabas sa loob ng bilog na ginawa ko. Kung hindi........ Something bad will happen...."


Seryosong paalala sa amin ni Suzy, bakas sa panginginig ng mga palad niya ang sobrang kaba na nararamdaman niya.

Maging ako man ay kinakabahan.



"K-kayo n-na mga namatay ng d-dahil kay Serina..... Nandyan ba kayo?"

Pagkasabi ni Suzy noon ay bigla na lamang niyang binitawan ang mga barahang hawak niya. Agad iyong nagkalat, pero....Parang wala namang nangyari?


"B-bakit ganoon?"

Tanong ko sa kanya.

"H-hindi s-sila sumasagot."

Bakit naman ayaw nilang sumagot? Ayaw ba nila ng hustisya para sa mga kamatayan nila? O, ayaw lang nila kaming tulungan?

Naiinis kong kiniha ang mga baraha, inayos ko ulit ang mga iyon. Sinubukan akong pigilin ni Suzy, pero huli na siya.

Kailangan ko ng sagot......




Kailangan ko ng mga kasagutan nila!


"Kayo! Na mga kaeskwela kong may galit sa amin ng Ate ko! Sumagot kayo!"

Hiyaw ko sa inis at agad ng binitawan ang mga baraha.





















Ganoon na lamang ang gulat naming tatlo ng kusang nahawi ang mga baraha! Nakapaikot ang mga baraha, para bang sadyang inayos ito para makagawa ng korteng hugis bilog, at nakapaloob sa gitna noon ang dalawang baraha.







Posible kayang.......



Makikisama na sila?



Nakataob ang dalawang baraha sa gitna. Ang dalawa lamang na iyon ang nakataob.




Binaligtad iyon ni Suzy......













Parehas na letrang O ang nakasaad sa dalawang baraha.....




OO ang sagot nila?








"It works....."

Putol ni Jake sa katahimikang nakapaloob sa amin.

"Serenity, mukhang ikaw ang gusto nilang kausapin kaya sa iyo sila sumagot. Ikaw na ang humawak sa baraha."



Sambit sa akin ni Suzy.

Nakakatakot man ang bagay na ito, ay kaya ko itong tiisin para lang matapos na ang impyernong nagaganap sa buhay namin.



Nagmamadali kong kinuha ang mga baraha sa may damo. Huminga ako ng malalim bago muling magpatuloy.




"S-sino b-ba ang pumatay sa inyo?"

Gusto kong manigurado. Baka mamaya ay wala palang kinalaman ang Ate ko at sinayang ko lang pala ang oras ko sa kaiisip na siya ang may pakana ng mha iyon. B-Baka hindi naman talaga nagbago ang Ate ko.

Muli kong binagsak ang baraha at nangyari nga ang inaasahan. Agad kong inalis sa pagkakataob ang mga barahang nasa gitna.



"S-E-R-I-N-A I-K-W. Ano?"

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon