Serenity's POV
"I 'm just trying to he--"-Jake
"Ano? help? nagpapatawa ka ba? Isang gagong tulad mo tutulong? Funny. "
Dahan dahan akong tumayo, aalalayan nya sana ako pero hinawi ko ulit ang kamay nya.
"Di ba sabi ko sayo, wag mo kong hahawakan? Di ka ba makaintindi!? "
Di ko hahayaan na basta basta na lang akong hahawakan nang isang manloloko. Oo si Jake ang ex-boyfriend ni Ate, sya ang lalakeng nanakit at nangloko sa kanya, kasabwat sya ni Maxine.
"Let her do what she fucking want Jake, wag kang makielam sa gulo namin."
Wika ni Maxine, di ko na lang sya pinansin at kinuha ko ang bag ko sa may table kung nasaan ako kanina. Pag kakuha ko ay lumabas agad ako nang library, nakasalubong ko pa ang ang librarian malamang papasok na yun sa loob.
"Anong nangyari dito!? "
Sigaw nang librarian, nakita nya na siguro ang itsura nang library, kagagawan namin iyon.
Parang nag reunion ang mga demonyo kanina, Marami silang nanakit sa ate ko pero ang mga nasa library kanina ang pinaka.
"Hey! Stop!"
Napahinto ako sa paglalakad nang may humawak sa balikat ko. Tumalikod ako para makita kung sino iyon, biglang naninigkit ang mga mata ko nang makita ko sya, sa totoo lang kanina ko pa sya gustong sapakin!
"Ano bang problema mo!? "
Sigaw ko kay Jake."We need to talk. "
"There is nothing to talk about bastard, it was understood that you hurt my sister. Sinira mo na ang tiwala ko sa iyo, kaya kahit anong sabihin mo hindi kita paniniwalaan."
Hinawi ko ang kamay nya na nakahawak na naman sa braso ko, nakakairita sya, sinabi ko na sa kanya dati na huwag na syang magpapakita sa amin pero nandito pa din bwisit.
"Please, give me a chance, give me a second chance."
I just stared at him coldly, he dont deserve to have it.
"Hindi mo deserve magkaroon nang second chance Jake, wala nang second chance sa mga taong tulad mo. Kaya kung pwede ba umalis ka na sa buhay ko! "
'Kriiinnnggg!!! '
Saktong nag bell na, nakatulala lang sya sa akin, ano bang problema nya? Hindi ko na lang sya pinansin, tinalikuran ko na sya at nag lakad papuntang room.
Dati masaya pa, dati masaya pa ako para kay ate dahil masaya sya sa piling nang taong mahal na mahal nya pero sabi nga nila walang lihim na hindi nabubunyag.
Habang nag lilibot kami ni ate sa campus noon ay nakita namin ni ate sila Maxine at Jake na nag uusap sa may garden, nag uusap tungkol sa pangloloko kay ate.
Flashback
"Anong balita? ayos ba kayo? napa ikot mo na ba sya? "
Napahinto kami sa paglalakad ni Ate dahil sa narinig namin ang boses nang mortal enemy ni Ate. Hinila ako ni ate patago sa isang puno, nagulat ako nang makita ko kung sino ang kausap ni Maxine. Anong ginagawa ni Jake dun?
"Oo ayos kami, kaya ako nandito para maka usap ka tungkol doon."
Narinig kong napa gasp si Ate, pati ako ay gulat din, napaka walang hiya talaga ni Maxine, pati si Jake niloloko lang pala nila si Ate!
Narinig ko na humihikbi na si Ate, nagsisimula na naman syang umiyak, hinawakan ko sya sa balikat nya para macomfort sya.
"Kung napa ikot mo na iwan mo na, sisimulan na natin ang plano, makukuha mo na ang gusto mo Jake hahaha! "
"Pero Maxine ma--"
Biglang naputol ang sasabihin nya nang makita nya si ate na papalapit sa kanya at bigla syang sinampal.
"Mga demonyo kayo!! "
-End of flashback
Tanda ko pa noon na iyak nang iyak si Ate dahil sa nalaman nya, di pa nga sya makakain nang maayos noon dahil sa nangyari.
Pagkapunta ko sa room ay pumasok na agad ako, sakto na pagpasok ko ay pumasok na rin ang guro namin.
"Sorry class kung na late ako nang ilang minutes, marami kasing ginawa, alam nyo naman siguro na dahil ito sa nangyaring insidente."
Paliwanag nang guro namin.
"Okay lang po maam."
Sagot nang iba."Oo nga pala, di ko nasabi na may bago kayong classmate ngayon dahil nga sa nangyari...
Halika ija pumasok ka and also introduce yourself. "Pagkasabi noon ni Maam ay may pumasok na isang babae na hanggang balikat ang buhok, she look like a doll.
"My name is Suzy Guardiano, please be nice to me."
Pagkatapos nyang magpakilala ay binigyan nya kami nang isang matamis na ngiti, bigla iyong napalitan nang tumingin sya sa banda ko. Parang bigla syang kinabahan at nagulat ayon sa expression nang mukha nya. Ano kaya ang problema? nakakatakot ba ang itsura ko?
"Pwede kang umupo kahit saan na vacant Ms Guardiano "
Umiwas na sya nang tingin sa akin at naghanap nang mauupuan, umupo sya sa may kabilang dulo malapit sa pinto samantala ako ay malapit sa bintana dulo din, dalawang row ang pagitan namin.
Nag simula na ang klase, habang nag kaklase kami ay madalas kong nahuhuli si Suzy na nakatingin sa direksyon ko pero sa tuwing nahuhuli ko sya ay agad syang umiiwas nang tingin. May pagka weird sya, kasi parang natatakot sya tuwing titingin sa direksyon ko.
Blah blah blah, discuss lang nang discuss ang mga teacher na para bang walang nangyari insidente.
"Okay class you may take your lunch. "
Finally may nasabi ding maganda ang subject teacher namin, pag kalabas ni maam History ay kasunod na nya kaagad ang mga estudyante, wala akong balak na lumabas dahil wala akong ganang kumain, masakit pa rin nang konti ang tyan ko dahil sa nangyari kanina.
Napansin ko na kami na lang ni Suzy ang nasa room, tinignan ko kung ano ang ginagawa nya. May hawak syang rosary at parang nag darasal sya bakit kaya?
Bigla akong nilamig sa di ko alam na dahilan, di dahil kay si Suzy basta naramdaman ko lang.
Tumayo sya at naglakad papunta sa akin.
"H-hello."
Nginitian ko sya dahil parang mabuti naman syang tao.
"Hello din."
Bati ko sa kanya."Pwedeng malaman kung ano pangalan mo? "
"Of course, Serenity Dizon ang pangalan ko. "
Pakilala ko sa kanya, mukhang mahinhin na tao si Suzy dahil sa pananalita nya.
"S-Serenity w-wala ka bang nararamdaman na k-kaiba? "
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya, kakaiba?
Bigla akong kinabahan dahil may kakaiba ngang nangyayari.
"K-kakaiba? "
Tumingin tingin sya sa paligid na parang tinitignan kung may tao ba sa paligid.
"Huwag ka sanang matakot sa akin pero gusto kong balaan ka, mag iingat ka, may di ka nakikita na kasama mo."
Pag kasabi nya noon ay lumabas na sya sa room, iniwan nya akong nakatulala at puno nang pagtataka.
Weird
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...