Final Chapter: Pangako.

3.6K 121 24
                                    


Dedicated to:

Xx_DeMoNqUeEn_xX



3rd person's POV



"Anong ginawa mo sa kapatid ko?!"

Bulyaw ni Serina, hinawakan niya ng mahigpit ang nakataling dating kasintahan. Gulat na gulat si Jake dahil sa pagkurap ng kanyang mga mata ay nasa rooftop na siya.


Rooftop kung saan nagtapat siya kay Serina.

Mapait na ngumiti si Serina ng makita ang kislap sa mga mata ni Jake, kahit na hindi nito sabihin ay alam niyang tanda pa nito ang nakaraan nila sa lugar na iyon. Marahas niyang binitawan ang mukha nito at umatras ng ilang hakbang para makita ito ng kabuuan.

"Ang akala ko nakalimot ka na. Matalino ka nga pala.... Na kahit ako ay napaniwala mo sa mga salita mo..."

Malungkot na turan nito. Nag-angat ang tingin ni Jake. Sinalubong ng tingin ang babaeng minahal at patuloy na minamahal.



"Mali ka ng akala! Bakit ba ayaw mo kong paniwalaan?! Hayaan mo naman akong magsalita!"

Bulyaw nito sa kaharap. Ang kaninang malungkot na ekspresyon ay napalitan ng galit. Nanggagalaiti niyang tinitigan ang lalaking akala niya ay sakanya nangloko.

"Bakit kita paniniwalaan?! Tapos na akong maniwala sa mga salita mo! Di mo na ako maloloko sa mga matatamis mong salita! Sawang-sawa na ako! Sobra na akong nasaktan sa mga ginawa ninyo sa akin! Wala akong kasalanan..... Hindi ko kasalanang anak ako ng mga magulang ko....."

Napaluhod sa kanyang harapan si Serina. Nakayuko ito. Kahit hindi niya nakikita ay alam niyang lumuluha ito. Kahit siya ay nasasaktan sa mga nakitang nangyari rito.

Hindi niya ito niloko.

Plinano niya noong una, pero hindi niya nagawa.


Dahil minahal niya ito ng tuluyan.

Gustong gustong sabihin ni Jake ang mga salitang iyon, hindi niya magawa dahil wala na itong tiwala pa sa mga sinasabi niya.



"Alam mo ba...."

Sabi nito habang nakayuko sa kanyang harapan.


"Minahal kita.... Naniwala.... Ngayon ay nasaktan. Sa lahat ng mga nanakit sa akin, sa iyo ako pinaka nasaktan..... Emosyonal mo akong sinaktan.... At doon ako mahina...."

Tumayo ito at siya ay hinarap. Puno ng galit ang mga mata nitong tila ba patay. Wala siyang ibang mabasang emosyon dito kung hindi galit.








"Nahulog ako sa iyo..... Ihuhulog din kita para patas tayo."

Sabi nito. Unti unting tinulak ni Serina ang upuan palapit sa kamatayan ni Jake. Tumingila ang binata para makita ang babae, ngumiti siya rito na siya nitong kinagulat.

"I know, you will not believe me if I say those words.... Pero iyon ang totoo, Serina.... Mahal kita. Kahit hindi ka maniwala, gusto kong marinig mo iyon bago ako mamatay."



Nahinto sa pagtulak si Serina. Napatulala siya sa mga binitawan nitong salita. Hindi niya namalayan pa ang pagtulo muli ng kanyang mga luha.... Muli siyang kinakain ng kanyang emosyon.

Bagay na sa pananaw niya na nagpapahina sa kanya.


"H-hindi iyan totoo! H-Hindi! Bagay lang sa inyong mamatay! Pare-parehas ninyo lang akong sinaktan!"

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon