Chapter15: The twins

8.9K 363 39
                                    






DEDICATED TO:

iamcaethia

azzhfbezz21

JoyJoyJoy_01

Arianeheart

3rd person's POV

8:18 pm

"Fuck that Serenity!"

Wika ni Anne habang himas himas ang kanyang pisngi,namumula ito dahil sa pagkakasampal sa kanya ni Serenity. Naka upo sya sa kanyang kama habang himas himas ito.

"Yeah you're right sis."

Dugtong naman ni Annie habang na kaupo sa katabing kama ni Anne. Kasalukuyan nyang sinusuklay ang kanayang buhok.

"Buti na lang wala dito sila mama kung di yari tayo kapag nalaman nila yung mga pinaggagawa natin sa school."

Nakangising sambit ni Anne sa kanyang kambal na si Annie.

Ang pamilya ng kambal na Anne at Annie--- o ang pamilyang Garcia ay kilala bilang isang mga matutulunging tao, ang pamilya nila ay madalas na tumutulong sa mga charities at mga lugar na nasasalanta ng mga kalamidad. Mayaman ang pamilyang Garcia, nag mamay-ari ang pamilya nila ng isang kilalang five star restaurant. Ang mga magulang ng kambal na Anne at Annie ay kilala dahil sa pagiging mabubuti nitong tao, strikto rin ang mga ito pag dating kila Anne at Annie. 

Dahil nga madalas silang wala dahil sa mga business trip ay madalang na lamang nilang makasama ang kanilang mga anak. Ito rin ang dahilan kung bakit ibang iba ang ugali nila sa kanilang mga magulang--- dahil wala silang patnubay galing sa mga ito. Mabubuti man sa iba ay marami namang pagkukulang sa anak.

"Hey, what are thinking about? You look like an idiot. Hahahaha!"

Nanatawang sabi ni Anne dahil napansin nyang nakatulala lang si Annie na tila ba may malalim na iniisip.

"So does you? Were twins right?"

Pilyang sagot naman ni Annie, agad syang binato ng unan ni Anne.

"Okay, fine, but, ano ba talaga yang iniisip mo? Di ako sanay na ganyan ka noh! Napapansin ko na madalas ganyan ang reaksyon mo nung mga nakaraang araw."

Medyong nag aalalang sabi ni Anne, Humarap sa kanya si Annie at ngumiti ito bago magsimula.

"Naiisip  ko lang sila Dad."

Matamlay na sagot Annie.

Agad namang napataas ng isang kilay si Anne ng marinig nya ang sagot ni Annie

"Huwag mo nga silang isipin! Bakit naiisip ba nila tayo?"

Mataray na sambit naman ni Anne, napabuntong hininga na lamang si Annie sa inisal ng kanyang kakamabal. Hindi naman sa galit pero, nag tatampo si Anne sa kanyang mga magulang dahil wala itong oras sa kanila.

Kahit na mas matanda si Anne kay Annie ay mas di kagandahan ang ugali ni Anne kaysa sa kanyang kakambal.

"May oras sila sa iba at sa atin wala? Huh! Kaya wag na silang magtaka kapag nalaman nilang napaka impaktita natin sa loob at labas ng school. Mwahahaha!"

Mala demonyang sabi ni Anne.

Napatawa na lamang din si Annie sa sinabi ng kanyang kakambal dahil may punto ito.

Dahil nga sa pagkukulang ng kanilang mga magulang ay natutunan lamang nilang mahalin ang kanilang mga sarili at ang mga kaibigan nila.

Napahinto sa pag tawa si Annie, agad namang napansin ni Anne ang pag iiba ng emosyon ni Annie.

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon