Chapter38: Case

4.8K 144 130
                                    



Serenity's POV

Payapa na ang langit, wala na kahit kaunting ambon, pero makulimlim pa rin ang paligid. Para bang nagbabanta ulit ito sa panibagong bugso ng ulan.





Nakatulala lamang ako. Wala kahit isang salita na gustong lumabas sa bibig ko. Kahit gustong gusto ko ng sumigaw sa takot.




Hindi pala ako nananaginip.





Totoo pala lahat ng mga nakita ko.





Bakit kailangang humantong pa sa ganito? Hindi na makatao.



Nasa ground ako ng eskwelahan, kitang kita ko ang maliksing pagkilos ng mga doktor at pulis. Halos hindi na sila magkanda-uugaga sa pag aasikaso sa mga estudyante.











Lahat sila ay nag tutulungang mailagay sa mga ambulansya ang katawan nila. Napakadami....... Napakadami nilang bigla na lang nawala.





Rinig na rinig ko ang mga iyakan ng ibang natira. Napakalakas ng hagulhol nila. Ganoon din naman ang mga guro. Mga namimighati.





Walang emosyon ko lang silang pinapanood. Dala pa rin ako ng gulat. Ano ba ang dapat kong gawin?

Naka upo ako sa gawing labas ng isang ambulansya habang naka balabal sa akin ang isang twalya. Nagmumuni muni sa mga nangyayari.



Kung tama ang hinuha ko....



K-kagagawan ito ng A-Ate ko.......

Bakit ganoon? Pakiramdam ko, ang dumi ng mga palad ko. Ako ang nakokonsensya sa ginawang pagkakasala ng kapatid ko? Ganoon ba talaga iyon?







"WALANG HIYA KA!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na naging dahilan ng pagkasubsob ko sa lupa. Nawala ako sa balanse sa pagkakaupo sa lakas ng sampal na iyon. Halatang ang tindi ng galit niya. Bakit hindi ko man lang nahalata ang pagsampal niya? Sa harap ko mismo nagmula iyon.

Tumingala ako para makita kung sino ang may gawa noon. Hindi ko alam ang pangalan niya, pero alam kong kabatch ko siya.

"WALA KANG PUSO! PINATAY MO LAHAT NANG MGA IYAN! TAO KA PA BA?! MAY SA DEMONYO KA BA?! HULAAN KO, PATI SIGURO YUNG MGA KAIBIGAN MO, PINATAY MO RIN! G*GO KA! KALAHATI HALOS NG ESTUDYANTE DITO BINAWIAN MO NG BUHAY!"

Pinaghahampas niya ako habang sinasabi ang mga iyon, nawala ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya, n-nabiktima r-rin b-ba s-sila Suzy?

Huminto lang siya sa paghahampas sa akin ng hilahin siya palayo ng mga pulis, wala akong pake kahit maghapon niya akong saktan. Hindi na mahalaga sa akin iyon. Walang wala iyon sa sakit na mararamdaman ko oras na totoo nga ang sinabi niya, na pati sila Jake ay wala na........ H-hindi ko kaya.......


Lumandas ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya na tumatak sa akin. B-bakit p-pati sila? W-wala naman silang ginawang m-masama..... M-mga kaibigan k-ko sila.....

"Stand up...."

Hilam na hilam ako sa luha kaya hindi ko makita kung sino ang nahsalita sa harap ko. Hinawakan niya ang braso ko at tinayo ako sa pagkakasalampak sa lupa. Namanhid ang mga tuhod ko sa di ko malamang dahilan.

Inalalayan niya akong makaupo ulit sa may ambulansya. Umupo rin siya sa tabi ko.

"D-Detective Santos....."

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon