Serenity'POV
"Bakit mo naman naitanong? "
Nakamaang kong tanong sa kanya, pero hindi sya nag salita at naghintay pa rin sa pagsagot ko sa katanungan nya.
Anong meron sa kanila at natanong nya ang bagay na iyon? Ano yun? Bigla lang lumabas sa labi nya? Malamang na hindi. Dahil kung walang meron sa kanila ni Maxine ay sigurado akong hindi sya magtatanong ng ganoong klaseng bagay.
"Sagutin mo ang tanong ko Serenity, please. "
Nagsusumamong sabi nya sa akin. Ganoon ba iyon kahalaga para sagutin ko ang tanong niya? Bakit? Ano ang uganayan nila ni Maxine?
Si Monic ay binubully at si Maxine ay isang bully. Ang laki ng agwat nila sa isat isa. Anong klaseng koneksyon ang meron sya sa demonyong iyon?
Napuno ng katahimikan sa aming dalawa, hindi ko masagot ang tanong nya dahil puno na naman ng mga katanungan ang isip ko na syang gumugulo na naman sa akin.
Hindi ako makapag isip ng maayos.
"Anong koneksyon nyo sa isat isa para matanong mo ang ganoong klaseng bagay? "
Imbis na sagutin nya ako ay umiwas lang sya ng tingin sa akin.
"Sasagutin ko ang tanong mo sa akin Monic, kahit kataka taka iyon. "
Biglang napaangat ang ulo nya sa akin, nakahandang makinig sa sasabihin kong kasagutan sa kanya.
"Demonyo, demonyo ang tingin ko sa kanya. Literal na demonyo, ganoon lang kasimple iyon."
Nagulat sya sa naging sagot ko, may nakita akong galit sa sulok ng mga mata niya. Ano naman ang dapat nyang ikagalit?
"W-Wala kang alam, Serenity."
Bigla nyang sabi sa akin na naging dahilan rin ng biglang pag init ng dugo ko. Nakaramdam na naman ako ng sobrang galit. Hindi sa kanya kundi kay Maxine at sa ibang tao.
"PWES! WALA KA RING ALAM! "
Sumbat ko sa kanya, nagulat at bahagya syang natakot sa naging tono ng boses ko.
"Wala kayong alam kung gaano kasakit! Kung gaano kasakit mawalan ng taong mahalaga sa inyo! "
Muli kong sigaw sa kanya, kinagat nya ang pang ibabang labi nya, halatang nag pipigil sya ng luha. Di ba dapat ako ang umiyak imbes na siya?
"Masakit mawalan, lalo na kung importante sa iyo, masakit mawalan ng taong masasandalan mo, sobrang sakit..... Imporatante sa akin ang Ate ko, pero anong ginawa nila? Pinatay lang nila sya! Pinatay lang nila ang taong mahalaga para akin! Kung sa bagay hindi nyo alam kung gaano kasakit dahil hindi nyo naman naranasan! Minsan ang sarap hilingin na sana kayo na lang ang nasa posisyon ko! Na sana sa inyo na lang nangyari ang mala impyernong buhay na toh! Kaso kahit hilingin ko alam ko namang wala ring mangyayari! "
Tuluyan na ngang lumandas ang mga luha ko matapos kong isumbat sa kanya ang mga hinanakit ko. Oo, alam kong mali na sa kanya ko ibuntong ang galit ko pero hindi ko na kayang pigilan pa ang galit ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko at agad syang nilingon ulit. Lumuluha rin sya dahil malamang nasaktan rin sya sa mga sinabi ko.
O di kaya nalaman nyang may punto ako....na tama ako.
"Wala ni isa sa inyo ang nakakaalam ng pait ng buhay ko... Kung sa tingin nyo ay buhay pa ako pero sa loob ko ay nabubulok na ako. Nang pinatay nila ang Ate ko, ay parang pinatay na rin nila ako."
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...