Dedicated to:
MaryJoyEstrada3
:)
Serenity's POV
Pag pasok ko palang sa loob nang gate nang campus ay nag simula na silang magbulungan, sanay naman na ako sa kanila.
"Di ba iyan yung kapatid nang nag suicide nating president? "
"Bakit kaya nag pakamatay si miss President? "
"Kawawa naman si miss president "
Di ko na lang pinansin ang mga pinag sasabi nila at dumiretso na lang sa paglalakad.
"Hoy kayo hindi nyo na sya president, wala na yung Serina na yun si miss Maxine na. Bitch kasi kaya ayan ang napala, buti na nga lang nawala na sya kahit papano nabawasan ang mga bitch "
Narinig kong sabi nang isang pamilyar na boses, tumalikod ako para tignan kung sino ang nag salita na iyon. I admit na sobra akong na inis sa sinabi nya.
" Oh? anong tinitingin tingin mo dyan?"
Sabi ni Ella, sya yung nag salita na kinainisan ko kanina. At sya din ang isa sa mga taong naging dahilan nang pagpapakamatay ni ate. Anong ginawa nya? sya lang naman ang babaeng nag kalat nang mga kung anu anong masasamang tsismis kay ate, kasamahan sya ni Maxine. Matagal ko na silang gustong saktan dahil sa mga ginawa nila kay ate kaso palagi naman akong pinipigilan ni ate, mabait si ate kaya lagi syang inaabuso.
"Subukan mong ulitin yang mga sinabi mo at malilintikan ka sa akin."
Nag simula nang mag lapitan ang mga estudyante sa amin para manuod sa nagaganap na kaguluhan. Mga walang magawa talaga tsk.
"Kung kaya mo hmp! "
Tatalikod na sana sya para umalis pero hinila ko ang buhok nya, hindi ko na talaga mapipigilan yung galit ko sa kanila.
May malapit sa aking isang estudyante at may hawak syang mineral water, inagaw ko ito sa kanya at binuhos kay Ella lahat nang laman.
Narinig ko syang napa gasp sa ginawa ko. Nag pumiglas sya kaya nabitawan ko ang buhok nya.
"What the fvck! ano bang problema mo! "
"Ikaw "
Pag kasabi ko noon ay sinuntok ko sya kaya na pa higa sya sa sahig. Sinapak ko sya dahil mas masakit yun kaysa sampal.
" A-akala mo kung sino ka! "
Bigla syang tumayo at sasampalin sana ako pero nasalo ko ang kamay nya at sinapak ulit sya, sa pangalawang pagkakataon ay napahiga ulit sya. Narinig ko na syang umiyak sa pagkakataon na iyon.
"H-help 'sob' p-please 'sob' t-tama na! "
"Tama ka wala na si Ate, wala nang makakapigil sa anumang gusto kong gawin. Sinabi din iyan ni Ate nung mga oras na binubully nyo sya, pero hindi din nyo sya kinaawan at hinintuan. "
Lumuhod ako para makapantay sya, pagkakataon ko na ito para maipaghiganti si Ate.
Sinampal ko sya nang paulit ulit at sinabunutan, dinaganan ko na sya para hindi pa sya makalaban at makawala. Matagal ko nang gustong saktan din sila dahil sa ginawa nila kay ate, hindi ko sila mapapatawad. DAHIL SA KANILA WALA NA ANG ATE KO!
"ANO?! KAYA MO PA?! "
Sabi ko sabay suntok sa mukha nya, dumugo na ang ilong at labi nya, wala lang yun sa pagpapahiya at pananakit nila sa Ate ko!
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...