Serenity's POV
Nagmamadali kaming bumalik sa bahay ko. Hindi kami halos magkanda ugaga dahil sa mga nangyayari.
Nasaan na ang katawan ng Ate ko?
Sino ang kumuha noon?
Ano na ba ang nangyayari?
"Rumesponde na ang mga pulis, bakit ba kasi tayo nagmamadaling bumalik dito? Hinihingan nila tayo ng statement."
Sabi ni Suzy habang nakaupo sa sofa. Halata sa itsura nito ang pagod.
Tinitigan ko sila ng mabuti. H-hindi ko masabi sa kanila...... Para kasing may kakaiba akong nararamdaman. Y-yung para bang gusto ko itong pigilan....
Tsk! Ang gulo!
"Serenity, we need to look after you. Ngayon na alam na natin kung papaano kumikilos si Serina. Anytime, pwede siyang kumilos at gamitin yang katawan mo. Kakaunti na lang ang nasa listahan niya."
Seryosong saad ni Jake, tama siya. Kailangan makapaghanda kami para mapigilan ang Ate ko bago mahuli ang lahat...
"Itali niyo ako."
"What?!"
Sabay nilang turan."Look, guys, konektado kami ng Ate ko kaya kayang kaya niyang hiramin ang katawan ko kahit na anumang oras! Baka mamaya masaktan niya kayo...."
Napabuga sila ng hangin dahil alam nilang may punto ang mga pinagsasabi ko. Paano ko kaya maipapaliwanag kila manang ito?
"Tsk, we have no choice."
Sabi ni Jake sabay talikod. Malamang ay maghahanap iyon ng tali para sa akin.
Naramdaman kong tinapik ni Suzy ang balikat ko. Tinapunan ko siya ng tingin. Nakangiti siya sa akin kahit may bahid ng takot ang mga mata niya.
"Makakaya at malalagpasan natin ang mga ito, Serenity."
"S-sana nga......"
---------------------
"Sigurado ka bang okay lang ikaw?"
"Ayos nga lang ako Suzy."
"Sabihin mo kung may kailangan ka, huh."
Isang oras na halos akong nakatali sa kama ko. Dalawang kamay ko ang nakatali para hindi ako agad makawala. Napaliwanag naman ng maayos nila Jake ang sitwasyon ko kila manang kaya hindi na sila nakatutol pa kahit na hindi kapanipaniwala ang mga nangyayari.
"Uyy... Serenity, kwentuhan mo naman ako tungkol sa Ate mo."
Napatingin ako sa gawi ni Suzy, mahirap kumilos dahil nakatali ako.
"Nakwento ko na sa iyo dati diba?"
Sagot ko sa kanya.
"Tungkol sa kanya, sabihin mo sa akin para maintindihan ko kung bakit niya ito ginagawa...."
Tumitig ako sa kisame, ano kaya ang pwede kong ikwento sa kanya? Napakaraming magagandang bagay patungkol sa Ate ko.
"Mabait ang Ate ko. Masayahin. Matalino... Syempre maganda. Haha.."
Bigla kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Tuwing naalala ko siya, bumabalik yung sakit na naramdaman ko noong mawala siya.
"Kaya hindi ko alam kung bakit nagawa niya ang mga ganoong klase ng bagay..."
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...