Chapter9: Tears

9.1K 309 21
                                    





Dedicated to:

chichinichoychoy27

Hope you like it! :)

Serenity's POV

Its already 4:00am, Monday again. Maaga na naman akong nagising, haist.

Medyo naka move on na ako sa nangyari noong last Saturday, naisip ko din na nagpaparamdam talaga si Ate hindi lang sa akin pati kay Manang. Siguro ay meron syang unfinished business dito sa mundo pero ang tanong, ano yun? Naiisip ko rin na maaring sya talaga ang pumapatay sa school namin, pero paano?

Napahawak na lamang ako sa sintido ko, sumasakit na ang ulo ko kakaisip tsk.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba, nakita ko pa si Manang na nag hahanda ng pag kain.

Nakita kong bukas yung pinto ng bahay namin, naisipan ko tuloy na lumabas at tumambay sa bakuran namin.

Nang makalabas ako ay agad akong sinalubong ng isang malamig na hangin, napayakap ako sa sarili ko dahil sa biglang panglalamig ko. Binalewala ko na lamang iyon at nagsimulang maglibot sa bakuran namin.

Tumambay ako sa maliit na garden namin, kahit madilim dilim ay kitang kita ko ang ganda ng mga bulaklak na naroroon....

Ang tahimik, maganda ang lugar na ito para makapag isip akong mabuti.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Dapat ba akong kumilos dahil sa mga nangyayari? Wala pa naman akong sapat na dahilan para kumilos ako at Wala din akong sapat na ibidensya para masabing si Ate nga ang may kagagawan ng mga pagpatay na iyon.

P-Parang ang imposible.

"Hmmmm.....hmmmmm.......hmmm.......hmmn......."

Parang nagising ang diwa ko ng marinig ko ang huni na iyon,
may kumakanta na babae,
p-parang malapit lapit lang ito sa akin.

"S-sino yan? "

Sabi ko, tumingin ako sa gilid ng bahay namin, parang sa gawi na yun nanggagaling.

Nag simula na akong maglakad papalapit sa humihimig na iyon, hindi ko alam kung kaninong boses iyon. Alam kong hindi si Mama yun o Manang o si At-.

H-Hindi k-kaya?

"Hmmmm........hmmmm.....hmmmmm.......hmmmm...."

Tumingin ako sa likuran ko dahil parang dun naman na punta yung boses. Ngunit pag tingin ko ay sinalibong lamang ako ng isang malamig na hangin.

"G-Guni guni ko lang siguro."

Humarap ulit ako.

Dapat sana hindi na lang.

Pagharap ko ay may nakita akong babaeng nakaupo sa duyan namin. Nakatalikod sya mula sa akin. W-wala naman sya kanina dun.

Swing namin ni Ate iyon simula bata pa kami, inaalagaan namin iyon kaya umabot pa hanggang ngayon. Bakal ang swing na iyon, hindi pa kinakalawang iyon dahil sa pag aalaga namin doon.

"Hmmmm....hmmmm....hmmm...
hmmm...."

Bigla syang huminto sa pagduduyan, naramdaman na nya siguro ang presensya ko.

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa bakuran namin?"

Kahit na takot na takot na ako at halos gusto ko ng tumakbo ay pinili ko pa rin ang maging matapang, baka may gawin pa syang masama sa amin.

"Se-re-ni-ty."

Kinilabutan ako sa boses nya na sobrang lamig, pamilyar ang boses nya, s-sino ba sya?

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon