Chapter21: Investigation

6.8K 238 41
                                    





Serenity's POV







Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog dahil sa ingay na naririnig ko. Minulat ko ang mga mata ko at tinignan kung anong oras na. 2:58 am na pala, thursday na ngayon.


Umuulan pala? Yung naririnig kong ingay ay mula sa mga patak ng ulan sa labas ng bahay at ang malakas na hangin. May bagyo ba?

Makatulog na nga lang ulit, kailangan kong makaipon ng lakas para makapasok na ako mamaya sa eskwelahan. Hindi ko hinahabol ang grades ko, ang hinahabol ko ay ang pag iimbestiga sa mga pangyayaring nagaganap ngayon na sangkot ako at si Ate.


Ipinikit ko na ang mga mata ko, kaagad akong nakaramdam ng antok, marahil ay dahil sa malaming na klima. Masarap talagang matulog kung umuulan.



Malapit na sana akong makatulog ng may bigla akong narinig na mga yabag ng paa sa loob ng kwarto ko.

S-Sino naman ang papasok sa kwarto ko ng ganitong oras? Lahat ng kasama ko sa bahay ay malamang ay mga tulog na dahil sa malamig na klima. P-pero sino tong taong ito?


Mas pinili ko na lamang na magtulogtulugan at hintayin ang susunod nitong gagawin.

Bumaba ng kaunti ang kama kung saan ako nakahiga, palatandaan na may umupo sa gilid nito. Nakaramdam ako ng kaba sa maaaring mangyari, ano bang pakay ng taong ito? Nanatili lamang akong nakapikit at nagtutulogtulugan.




Naramdaman ko na hinawakan nya ako sa mukha ko, ang palad nya, ang lamig ng temperatura! Humawak ba sya ng yelo kaya ganoon kalamig ang kamay nya?

"Serenity.... S-Sana mapatawad mo k-ko d-dahil sa pagpapakamatay k-ko... Salamat dahil hanggang ngayon a-ay d-di mo pa rin n-nakakalimutan ang Ate Serina mo.... Patawad dahil a-ang tanga k-kong A-ate, h-hindi k-ko kayo n-naisip nung gawin ko a-ang b-bagay na y-yun.... N-Nadala lang a-ako ng e-emosyon k-ko, Duming dumi a-ako s-sa sarili ko d-dahil sa g-ginawa n-nila sa akin.......Hayaan mo at konting P-panahon na l-lang ay mag kakasama n-na ulit t-tayo nila mama at papa.......Malapit na......"



Nagulat ako bigla sa mga narinig ko pero hinayaan ko pa rin na nakapikit ang mga mata ko. Umiiyak sya habang nagsasalita, nararamdaman ko ang mga patak ng luha nya sa pisngi ko...... Kahit mahirap ay pinipigilan ko ang paglabas ng emosyon ko, parang may pwersang nagsasabi sa akin na wag ipaalam kay Ate na gising ako at alam kong nandito sya.


Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa noo ko, hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko. Sobrang kalungkutan na ang nararamdaman ko at alam kong ganoon din sya.

Tuluyan ko ng dinilat ang mata ko, pero huli na, wala na sya.


Bigla ko na lang sinabayan ang pag iyak ng langit.

Naramdaman ko na naman ang lungkot at pangungulila sa Ate ko. Awang awa rin ako sa kanya dahil kailangan nya pang danasin ang mga ganoong bagay......


Sana bumalik na lang sa dati ang lahat......




























----------------------------

Biglang huminto ang kotse namin, palatandaan na nandito na ako sa school.

"Anong kayraming tao sa eskwelahan nyo ija? "

Sabi ni Manong Jose habang nakatingin sa labas kung nasaan ang school ko.

Napakunot ang noo ko ng makitang ang dami ngang nag kalat na mga estudyante sa labas.

T-Teka, bakit may mga pulis?


Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon