DEDICATED TO:
JustineClaireCrz
Serenity's POV
Pagpasok ko pa lang sa room ay agad akong sinalubong ng mga makahulugang tingin ng mga kaklase ko. Para bang, natatakot sila sa akin. Malamang dahil dun sa nangyari kahapon, yung tungkol sa ilaw. Haist, masyado nilang binigyang kahulugan ang mga nangyari.
Dumiretso na lamang ako sa upuan ko, pilit kong di pinapansin ang mga tingin nila at mga bulong bulungan.
Biglang natigil ang pagbubulungan na iyon kaya napatingin ako sa harapan. Nandito na pala ang class adviser namin, sya din ang first subject namin. Si Ma'am Espiritu.
"Good morning class."
Bati ni ma'am."Good morning ma'am Espiritu "
Bati din ng mga kaklase ko, samantalang ako ay tumayo lamang at di nag abalang batiin ang Adviser namin."You may take your seats. "
Pagkasabi noon ni ma'am ay agad na kaming umupo.
Sinimulan ni ma'am ang klase sa pagchecheck ng Attendance tulad ng dati nyang ginagawa.
"Ms Suzy Guardiano? "
Tawag ni ma'am kay Suzy, wala akong narinig na sagot kaya napatingin ako sa pwesto nya.
Absent sya?
"She's Absent?"
Sabi ni ma'am.
Nang matapos si ma'am sa pagchecheck ng Attendance ay sinimulan na nya ang discussion nya.
Habang nag lelesson sya ay nakatingin lamang ako sa orasan na nasa taas ng black board, hinihintay na matapos ang boring nyang discussion. Nakakatamad, wala naman akong ginagawa pakiramdam ko na pagod ako.
Nang matapos si ma'am sa lesson nya ay agad nya kaming pinagawa ng isang seatwork, Haist, wala akong gana.
Habang gumagawa kami ng activity ay nag simulang mag kwento si ma'am ng kung ano ano para daw hindi kami masyadong ma bored. Nung una ay wala naman akong pake ng biglang may banggitin si ma'am na nakakuha ng atensyon ko.
"Alam nyo na ba yung balita? Yung kambal na Garcia ba yung nasa balita? Yung na murder ba yun? "
Napalingon ako bigla sa narinig ko, bata pa si ma'am kaya kung magsalita at kumilos sya ay para syang kaedad lang namin.
Pero teka …..... P-Patay na sila Anne at Annie? Sila lang ang bukod tanging kambal sa school namin kaya malamang na sila ang tinutukoy ni ma'am.
"Yes ma'am..... "
Sabi ng isa kong kaklase, di na ako nag atubling tignan kung sino sya dahil nakatutok lang ako kay ma'am.
"Hay nako, grabe naman ang nangyari sa kanila. Iba na talaga ang panahon ngayon, kaya class dapat lagi kayong nagiingat dahil sa panahon ngayon madami ng taong may masasamang intensyon. Dapat di na din kayo gumagala after school dahil nga sa mga nangyayari. Mas mabuti na ang maingat. "
Sumang-ayon ang mga kaklase ko sa sinabi ni ma'am.
May masama akong pakiramdam tungkol dito, hindi kaya si Ate na naman ang may gawa nito?
"Change topic! Pabayaan na lamang natin ang mga may kapangyarihan na umasikaso sa mga ganoong bagay. Well, may nakalimutan akong iannounce sa inyo. Dahil nga sa mga ganoong pangyayari ay naisipan ng principal na hindi tayo mag kakaroon ng field trip. "
Maraming nagreklamo sa inanunsyo ni ma'am, wala naman akong pake tungkol sa field trip, mas may pake ako sa mga bagay nangyayari ngayon.
"But! Bilang kapalit ng field trip ay magkakaroon tayo ng School camp, madaming mga program na magaganap syempre may mga ilang boots din, ang mga SSG ang nag plano about sa School camp na mangyayari kaya di kayo mabobored... "
Lalong umingay sa loob ng room, halatang interesado sila sa magaganap na school camp. Ano bang mapapala namin dun?
A-at ano tong nararamdaman ko, parang.......
Bwisit! Kung ano ano naiisip ko! Mas mabuti na rin siguro ang school camp kaysa sa lintik na field trip na yan. Kung field trip kasi mas madaling maiisagawa ni Ate ang plano nya, kung meron man.
Buong klase iniisip ko kung ano ang posibleng susunod na gawin ni Ate. Hindi imposibleng si Ate ang pumatay kila Anne at Annie, Ilan na ba ang napapatay niya?
Una si Ella, sumonod sila Jane at Jenny, si Ate Elise, at si Anne at Annie
Anim na tao na ang binawian nya ng buhay, hindi ako sigurado Kung sya nga ba ang pumatay sa kambal pero pakiramdam ko sangkot na naman sya.
Ate, kailan ba matatapos ang tinatawag mong paghihigante? Ikaw pa ba ang Ate ko?
-------------------------
"Okay, Class dismiss. "
Sabi ng last subject teacher namin. Nakakainis dahil buong araw kong iniisip ang mga nangyayari, alam ko na rin ang konting detalye ng pagkamatay ng kambal dahil sa ingay ng mga kaklase ko haist, di kasi ako mahilig magbasa o manood ng balita eh.
Tinatamad ako kaya nagpahuli ako ng kaunti sa pag labas. Nang makalabas na sila ay tsaka ko napagdesisyonan na umuwi na rin.
*Beep *Beep *Beep *Beep *
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko, sino kaya ang nag text sa akin?
------From: Mama-------
Serenity, sorry di ka namin masusundo dahil may dapat kaming asikasuhin, dadalhin namin yung kotse at kasama namin si Manong kaya mag taxi ka muna, pasensya na.
--------------------------------
---------To: Mama--------------------
K : )
---------------
Pag katapos kong mag reply ay agad kong nilagay ulit ang cellphone ko sa bag ko, mukhang kailangan kong umuwi mag isa.
Habang pababa ako ay nakasalubong ko ang mga lalagyan ng locker. Lalagpasan ko lang sana yun ng mapansin kong may nakadikit na note sa locker ko.
Sino kaya ang may kagagawan nito?
Lumapit ako sa locker ko at tinignan kung ano ang nakasulat.
Hey you fucking killer, meet me at the rooftop of this building once you read this note. Im waiting at you Serenity, let's end this bitch.
-Maxine
Ano na naman ba ang pinaplano ng gagang toh? Gagawin nila ba sa akin ngayon ang ginawa nila kay Ate noon?
Pupunta ba ako o hindi?
Mas tama siguro kung hindi dahil may mga bagay pa akong dapat gawin bago ako mamatay. Iyon naman talaga ang plano nila eh, ang patayin din ako.
Kailangan ko pang tulungan si Ate bago mangyari yun.
Nilukot ko ang note at hinagis ito kung saan, maglalakad na sana ulit ako palabas pero bigla akong may narinig na tawa mula sa likod ko.
"Hahahaha.! As expected! Hindi ka pupunta! Mag kamukha man kayo ng Ate mo, mag kaiba naman ang pag uugali at pagdedesisyon nyo. "
Tumalikod ako at dun ko nakita ang pag mumukha ni Maxine at ang apat pa nyang natitirang Alipores na sina Kylie, Lyka, Gabbie at Zafira.
Lahat sila ay nakangising demonyo sa akin, samantalang ako ay binigyan ko lang sila ng isang malamig na tingin.
"Sweet dreams"
Nag taka ako sa sinabi nya pero bago ako makasagot ay bigla na lang akong nakaramdam ng isang matigas na bagay na tumama sa ulo ko kaya agad akong napahiga at nanghilo.
Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay muli kong nakita ang mga malademonyo nilang ngise.
Bwisit..
Itutuloy................
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...