Serenity's POV
"Ano ito?"
Alam kong dumilat ako pero, bakit kadiliman pa rin ang nakikita ko? Nabulag na ba ako?
"Sino yan?!"
Bumalikwas ako ng bangon dahil sa may nadinig akong isang halakhak. N-Nakakatakot.
Kahit ba madilim ay pinilit kong makalakad kahit hindi ko nakikita ang dinadaanan ko.
Malamig. Damang dama ko iyon. Wala akong suot na sapin sa paa. Ramdam ko ang lamig ng sahig na tinatapakan ko.Kainis!! Bakit ba ganito?! Napakadilim! Nahihilo na ako dahil wala akong makita! Ano ba ang nangyayari?! Ang huling pagkakatanda ko ay bigla na lang akong nakatulog sa kwarto ko.
P-Posible kayang.........
"HAHAHA!!! ANG SAYA!!!"
Isang hakbang pa ang ginawa ko, para kasing malapit lang siya sa akin.
"Sino ka?! Nasaan ako?!"
Inangat ko ang kamay ko para makapa kung mayroon bang nasa harapan ko.
"S-Serenity?!"
Bulalas niya. Sa pag angat ko ng kamay ko ay agad ko siyang nahawakan sa balikat niya. Nakakakilabot dahil ang lamig niya. Tumatagos iyon sa damit na suot niya.
Sa isang iglap. Nagkaroon ng liwanag.
Dahil doon nakita ko ang paligid ko. Pati na rin kung sino ang nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...