Chapter36: Trap

4.8K 151 58
                                    









Serenity's POV




Matapos kong ipahayag kay Jake ang hinala ko ay agad siyang napabuntong hininga, katulad ko dati, gulong gulo rin siya sa mga nangyayari. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya kaya sinasabi ko sa kanya ang mga ganoong uri ng bagay, o sikreto sa tingin niya.



"I dont think na magagawa niya iyon..."

Sabi niya na siyang nagpangisi sa akin.



"Sa akin nga, muntik na niyang kitilin ang buhay ko gamit ang scalpel."

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig iyon mula sa akin. Halata ngang wala siyang panghihinala sa babaeng iyon dahil sa indikasyon ng mukha niya. Ganoon ba ka anghel ang tingin niya rito?



Parehas lang kasi ang tingin ko kay Monic at sa mga taong nakakalat dito.


Mga nakamaskara...

Mga Peke...pwe, nakakasuka.


"Sige, alis na ko. Gagala lang ako. Baka sakaling may mangyaring di inaasahan."

Umalis ako, iniwan ko siyang may pagtataka.



















Naglakad lakad lang ako para mapagpag naman kahit papano ang katawan ko. Hindi puro tayo upo lang.

Ganoon pa rin ang paligid ko. Lahat sila ay mga nagkakasaya. Habang ako ay bagot lang na nanonood sa kanila.

Ang lawak ng mga ngiti nila.

Ang lakas ng mga hagikhikan nila.

Lahat sila ay masaya na para bang walang dinadalang problema sa buhay.

Parang ako lang dati.

Kailan kaya ang huling araw na naging ganoon ako kasaya?

Napailing na lang ako, Wala naman akong magagawa sa sitwasyon ko ngayon. Tanggap ko na hindi ko na mababalik pa ang dating ako. Kasi, wala ng ang Ate ko.


Bwisit lang eh.




"Hey! Serenity!"

Biglang may umakbay sa akin na siyang kinagulat ko, hindi ko naramdaman ang presensya niya.

"Ate Liza?"

Sambit ko sa taong nakaakbay sa akin, ang lawak ng ngiti niya tulad ng iba.

Tumingin ako sa likod namin at doon ko nakita si Ate Mary na nakangiti rin sa akin.


"Di ba officers kayo? Bakit kayo nandito?"

Tanong ko sa kanila, kailangan ang mga officers ng bawat grade at section sa mga booths nila, sila ang mamumuno rapat doon.

"Tumakas kami, gusto kasi namin kamustahin ang kalagayan mo, alam namin ang nangyari noh."
Sabat ni Ate Mary.

"Salamat."

Nasabi ko na lang.

"Mukhang ayos ka naman, dinaanan ka lang namin kasi nga nag aalala kami. O, siya, alis na kami, baka mahuli kaming gumagala lang dito. Mag iingat ka huh! Pasensya na hindi ka namin masasamahan."

Sabi ni Ate Liza habang nakaabay pa rin sa akin, hindi ko maiwasang hindi maalala ang Ate ko.

"Ayos lang yun."

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon